Chapter 52

1726 Words

Habang sama sama silang nag kakape sa viranda ng hotel ay napatitig si James sa mukha ni Collen. "Puyat ka yata Collen? May binabantayan kaba kagabi?" Ngumisi si James sa pagtatanong kay Collen. "Ha? Anong binabantayan? Wala ha. May ilang bagay lang akong tinapos kagabi kaya ayon medyo late na ako nakatulog," tugon ni Collen. "Ang hirap 'no? Hindi makatulog, ranas ko na 'yan kaya naiintindihan kita." Muling ngumisi si James at tinapik pa sa balikat si Collen. Alam ni Collen ang bagay na inaasar sa kanya ni James alam niyang patungkol ito sa nakita siyang natambay sa harap ng pinto ng silid ni Sean. Si Sean naman ay napapakunot ang noo kay James tila ba nauunawaan nito ang pang aasar kay Collen. "Hay naku, ewan ko sa iyo James, hindi kita maintindihan." Napainom ng kape si Collen.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD