"Bro, kumusta? Bakit pinatawag mo ako?" tanong ni James kay Sean. "Gusto lang kita makainuman pwede naman diba? Alam ko naman na papayagan ka ng asawa mo." Ngumiti si Sean kay James. "May problema kana naman? Tsssk.. Ano 'yan? At umpisahan na natin ang usapan," saad ni James. "Ikaw talaga. Walang problema, gusto ko lang talagang mag inom kasama ka." Nag abot si Sean ng isang boteng alak kay James. "Bakit ako lang? Dapat tawagan natin si Ian at Delle para buo ang barkada," saad ni James at inilabas pa ang kanyang cellphone. "Huwag na. Busy rin kasi ang mga iyon ngayon lalo na si Ian, at saka ikaw lang talaga ang gusto kong maka jamming ngayon less ingay. Alam mo naman sa barkada ikaw lang pinaka malapit sa akin at nakakakilala sa akin ng husto," saad ni Sean at uminom ito ng alak.

