"Bro, kumusta, ano na nangyari?" tanong ni Ian sa kabilang linya ng tawagan si Delle. "Ok na ok bro, alam mo bang nakisama ang kalangitan dahil malakas ang ulan dito bro, kaya sure 100% magkasama na iyon ngayon sa iisang room haha," saad ni Delle. "Are you sure? Baka pumalpak tayo dito sa naging plano natin katakot takot na sumpa ang gagawin sa atin ni Sean niyan," paniniguro ni Ian. "Bro, kapag ako ang nagplano 100% sure na sure. Isla ko yata iyon, alam mo na lahat ng iuutos ko sa mga staff ko gagawin nila. Tanging kabilin bilinan ko lang naman ang gawin nila ang lahat lahat upang magsama si Sean at Collen sa iisang room. I'm sorry to Arielle, dahil kapwa natin mahal si Sean at Collen na alam natin na mahal na mahal pa rin ang isa't isa," saad ni Delle. "At gagawin natin ang laha

