Pagkalipas ng dalawang araw agad inanunsyo sa lahat ng news sa television ang pagkaka engaged ni Sean kay Arielle, malaya rin ibinahagi ni Arielle at Sean ang video nila noong proposal. Nagpapasalamat si Collen dahil hindi isinama sa video na yun ang paglapit at pag iyak niya, inanunsyo na rin ng dalawa na hindi na nila papatagilin ang panahon ng paghihintay ng kanilang kasal. "Are you ok?" tanong ni Ian ng makita si Collen na nakatitig sa kanyang mga folder na kailangan permahan. Kakabalik lang niya sa Subic kaya maraming trabahong naghihintay. "Oo naman. Bakit?" Ngumiti si Collen habang nagtatanong. "Wala, ang serious mo kasi kung ice-cream lang ang mga folder na nasa harapan mo baka tunaw na iyan sa tindi ng pagkakatitig mo. By the way, si Delle pala nasa labas hinahanap ka," saad

