Kinabahan naman ako dahil sa sinabi ng bantay. Ano naman kaya ang kailangan nila para hindi na mahirapan pa si Brickell? “What do you mean? Ano ang kailangan ninyo?” tanong pa ni Brickell. “Alam namin na nakahanda ka na sa pakikipaglaban sa akin. Nang makita ka namin na walang kahit na anong armas na nagpunta rito, mukhang nasabihan ka na kung paano ang tamang pakikipaglaban sa amin. Kaya ngayon ay susubukan natin ang galing ng bagong pinuno ng mundo ng mga bampira!” Matapos sabihin ‘yon ng isang taga-bantay ay agad akong lumipad sa ere! “AAAHHHH!” Napasigaw ako nang dahil sa gulat. Napatingin naman si Brickell sa kaniyang likuran. “Reign!” tawag pa niya sa akin. Pinipilit niya na abutin ako, ngunit hindi na niya magawa. Sobrang taas ko na mula sa kinaroroonan niya. “Ibaba ninyo ak

