[ZAROS MARTEL’S P.O.V.] Nagpunta ako ngayon sa palasyo. Gusto ko sana na bisitahin si Reign, pero hindi ko siya mahanap. Miski ang kwarto niya ay kinatok ko na at pinasok, pero hindi ko pa rin siya nakita. Ngayon na nasa loob na ako ng kaniyang kwarto ay nakuryoso ako. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Saka ako may naamoy na kakaiba. Hinanap ko ang amoy ng kakaibang dugo. Kay Reign ba ang dugo na naaamoy ko ngayon? Saka dumako ang mga mata ko sa kama niya. Doon ay nakita ko na may mga kaunting dugo na nasa kaniyang kama. What the hell is this? Bakit may mga dugo sa kaniyang kama? Mukhang matagal-tagal na ang dugo na ‘yon na nasa kama niya, dahil natuyo na. Pero kahit tuyo na ay naaamoy ko pa rin. Tiningnan ko naman ang bawat pwesto ng dugo niya na parang tumulon

