“Handa ka na ba?” tanong naman sa akin ni Brickell. Pumayag siya na sumama ako sa dimensyon. Pero hindi raw ako makikipaglaban. Pumayag din ako sa sinabi niya. Dahil wala naman akong ideya tungkol sa dimensyon na.’yon. Kaya lang naman gusto kong sumama ay para alam ko kung ano ang mangyayari kay Brickell kapag naroon na siya. Gusto ko na samahan siya, nang sa gano’n kung sakali man na may mangyaring hindi maganda sa kaniya ay naroon ako. Matutulungan ko siya na mailigtas kung sakali. “Handa na ako,” matapang naman na sagot ko. Hindi ako kinakabahan ngayon. Pinilit ko ang aking sarili na maging matapang. Dahil ang sabi ni Brickell, dapat bago pa kami magpunta roon ay matapang na at hindi nakakaramdam ng takot. Kailangan kong sundin ang mga sinasabi niya, para hindi rin ako mapahamak. Gu

