CHAPTER EIGHT

1000 Words
Dahil nga pumayag ako na manatili muna sa bahay ng lalaking ito ay namangha muli ako sa kagandahan ng kaniyang malaking bahay. Nakumpirma ko na rin na siya lang mag-isa ang narito ngayon sa bahay. Wala raw siyang ibang kasama. May naalala naman ako, kaya hinarap ko siya. "May tanong po pala ako, Sir," sambit ko. Nilingon naman niya ako at walang reaksyon sa kaniyang mukha. "Ano po pala ang pangalan mo? Ako rin pala ay hindi pa nakakapagpakilala sa 'yo ng ayos." "Do we need to exchange names?" nagtataka pa na tanong niya sa akin. Ay bakit? Hindi ba kami dapat magpakilala sa isa't-isa? Ayos lang sa kaniya na hindi niya ako kilala? Pero ako ay hindi ayos na hindi ko alam ang kaniyang pangalan. Naiisip ko rin na baka scam siya o ano pa man. Kahit na naibigay na agad niya sa akin ang pera. "I think so? I mean, for formalities na rin. Lalo na at inalukan mo ako ng source of income ko kahit papaano. Kahit na hindi naman iyon consistent," sagot ko. "Brickell Dmitri," maiksing pakilala niya sa akin. Miski ang pangalan niya ay tunog yayamanin. Mabuti na lang at maganda rin ang pangalan ko at mukhang tunog mayaman din. Kahit sa pangalan at sa itsura na lang ako bumawi ngayon sa buhay kong ito. Mahirap na nga ako pero at least ang itsura ko naman ay may panglaban pa rin. Inabot ko naman ang kanang kamay ko sa harapan niya. "It's nice to meet you, Sir Brickell. I am Reign Victoria," pakilala ko rin sa sarili ko. Tinanguan niya lang ako at hindi tinanggap ang kamay kong makikipag-shakehands sana sa kaniya. Tinalikuran na niya ako saka siya naglakad paakyat sa malaking hagdan. Napairap na lang ako dahil sa pagiging arogante niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang mayamang tao na katulad niya? Ibinaba ko na lang ang aking kamay at sinundan siya paakyat doon. Miski ang hagdan ay mukhang gawa sa isang ginto. Pero ang disenyo naman ng kabuuan ng bahay ay puro pula at itim lamang. Wala na akong makita pa na ibang kulay. Ganito talaga siguro ang mga tipong disenyo ng mga kalalakihan. Kaya siguro mukhang patay ang kulay para sa akin ay dahil babae ako at iba ang mga gusto ng mga kalalakihan. "This will be your room for today. When the sun rises tomorrow, I will deliver you to the clinic to get your bloods," sambit niya. Huminto kami sa isang pamilyar na kwarto. Doon din ako natulog kagabi nang dalhin niya ako rito. Ang ganda naman ng kwarto niya para sa isang bisita na katulad ko. Tumango naman ako sa kaniya at pumasok kaming dalawa sa kwarto. "Kailangan ko na ring maghanap ng bagong matitirahan ko bukas. Pwede bang dito muna ang lahat ng mga gamit ko hangga't hindi pa ako nakakahanap ng matitirahan ko bukas? Ang balak ko kasi ay kapag tapos na akong makuhanan ng dugo ay saka ako maghahanap ng bagong bahay ko." paliwanag ko naman sa kaniya. "You can do it." "Maraming salamat po! Don't worry, wala naman akong kukunin na mga kagamitan mo rito." "Okay. If you wants to eat, just go in the dining area and feed yourself." Hindi na ako nakapagsalita pa, dahil mabilis na siyang lumabas sa kwarto. Nagkibit-balikat na lang ako saka nilingon muli ang kabuuan ng kwarto. Ngayon ay hindi na talaga ako nananaginip. Masaya na rin ako dahil mararanasan ko muli ang matulog sa ganito kagandang kwarto. Mukha pa rin kasi akong nanaginip lamang kaninang umaga nang magising ako. Inayos ko lang ang ilang kagamitan ko saka ako naligo sa magandang banyo. Saka ko lang din naisip na hindi pa pala ako nakakaligo. Ano ba naman 'yan, Reign! Nakakahiya naman kay Mr. Brickell. Mabilis naman akong naligo at inayusan ang sarili ko. Kaunti lang ang mga kagamitan na nasa loob ng kwarto, pero hindi ko na lang ginalaw. May mga sarili naman akong gamit. Nang matapos akong mag-ayos ay nagtungo ako sa malambot na kama. Nakuryoso naman ako tungkol sa kaniya. Siguro naman ay kapag mga mayayaman na tao ay kilala ng maraming tao. Mukhang may mga negosyo rin naman siya. Kaya kinuha ko ang phone at saka humiga sa kama. Nilagay ko ang pangalan ni Mr. Brickell sa google. Ngunit wala akong nahanap na article tungkol sa kaniya o kahit mga posibleng negosyo niya. Hinanap ko rin ang kaniyang mga accounts sa social media, ngunit wala rin akong nahanap. O baka naman naka-private lang ang lahat ng accounts niya kaya hindi ko mahanp? Ganoon siguro ang mga mayayaman. Ayaw nila masiyadong ipaalam ang kanilang mga personal na buhay sa ibang tao. Hinayaan ko na lang at hindi na naghanap pa. Medyo nahihilo rin ako dahil may alak pa sa sistema ko. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom, kahit na wala pa akong kinakain ngayong araw. Dahil sa lambot ng kama at sa lamig ng kwarto ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. *** Agad akong napatingin sa orasan ko nang magising ako. Nakita ko na alas-dos na ng madaling araw. Ang haba pala ng naitulog ko. Pagod din kasi ako nitong mga nakaraan na araw, tapos nag-iinom pa ako. Kaya ngayon lang din nakabawi ng tulog. Nakaramdam na ako ng gutom at sumasakit na ang aking sikmura. Ang sabi naman ni Mr. Brickell ay ayos lang kung kumuha ako ng pagkain sa dining area niya. Kaya naman ay naghilamos muna ako at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto. Ayoko namang gumawa ng ingay dahil baka mamaya ay maistorbo ko pa ang tulog ni Mr. Brickell. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita na lumabas din si Mr. Brickell mula sa kaniyang kwarto. Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang bilis niyang nakababa sa hagdan! Sobrang bilis na para bang hindi ko siya nakitang tumakbo o kung ano pa man. Dahil doon ay pumasok na ulit ako sa kwarto. Nananaginip ba ako o namalikmata lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD