CHAPTER SEVEN

1000 Words
"Huh? Ano ang sabi mo?" tanong ko. Hindi ko kasi masiyadong naintindihan ang kaniyang sinabi. Sobrang hina na para bang sa sarili niya lang iyon binulong. Ano naman kaya ang binubulong niya sa sarili niya? Baka mamaya ay ini-scam lang pala ako nito at may balak siyang masama sa akin. Mahirap din kasi na magtiwala sa mga mayayaman. Baka mamaya ay mang-uuto lang pala sila ng mga mahihirap na tao para pagkakitaan nila. "I know what you're thinking. I won't scam you. I can give you the money now in advance, if you want," sagot naman niya sa akin. Aba, paano naman niya nalaman ang naiisip ko? Nakakabasa ba siya ng pag-iisip? Gano'n ba ka-high tech ang mga utak ng mayayaman? Sobrangg talino siguro nila dahil mamahalin din ang kanilang tuition. Ay, ewan ko na! Ano ba itong mga pinag-iisip ko. Malamang ay nahahalata niya na kakaiba ang iniisip ko sa kaniya ngayon. "Hmm, pwede ba na makuha ko na ngayon ang pera?" medyo nahihiya pa na sambit ko. "So you ran away from your home or what? Nabanggit mo kanina na wala ka nang tirahan pa." "Well, hindi naman ako naglayas sa bahay namin. Sa isang dorm lang ako nakatira. Pero wala akong pangbayad sa upa sa dorm dahil hindi na libre ang pagtira roon, kaya naman ay napalayas ako. Kailangan daw na umalis ang mga hindi kayang makabayad. Wala akong ibang choice, kaya umalis na lang ako. Pero dahil inaalukan mo ako ngayon, kahit 'di ko pa sigurado kung totoo ba 'yan, pwede ba na makuha ko na agad ang pera? Hindi naman kita tatakbuhan. Gusto ko lang na makabayad agad ngayong araw, para makabalik ako sa dorm namin," paliwanag ko sa kaniya. Kung titingnan din naman ang postura niya, mukha naman siyang hindi nagloloko tungkol sa inaalok niya sa akin kanina. Mukha rin naman siyang disenteng tao. Kaya naman ay kailanggan ko nang malaman kung makukuha ko ba ang advance na bayad para sa dugo ko o hindi. "How many plastic bags of blood can you donate?" Napaisip naman ako. Ayos na siguro ang twenty thousand pesos ngayon sa akin. Malaking halaga na iyon. "Apat na plastic bags lang. Ayos na ako sa bayad no'n." "You can be a regular donator there, if you want. For example, you want to donate bloods again to get paid. You can always come there." Kung sabagay ay magandang source of income rin iyon. Hindi rin naman ako araw-araw na pupunta roon, dahil baka naman mamatay ako dahil ubos na ang aking dugo. Tumango naman ako. "Kaya kailangan ko na pala na magpalakas at mas alagaan ang sarili ko. Mabuti na lang at wala akong kahit na anong sakit sa katawan," sagot ko pa. "I know. Alam ko naman na fresh ang dugo mo." Pero medyo weird siya, ha. Kanina pa niya sinasabi na ang fresh ng dugo ko. Paano naman niya nasabi? May luma bang dugo? I mean, hindi pa naman niya nakikita ang dugo ko. Miski nga ang blood type ko ay hindi rin naman niya alam. Pero hindi ko na siya tinanong pa ng tungkol doon. Bigla ay naglabas siya ng wallet at nakita ko na kaagad kung gaano kakapal 'yon! Grabe, mayaman nga talaga ang isang 'to! "May tanong pala ako. Paano mo ako nakita rito? I mean, may kalayuan ang bahay mo mula rito sa lugar na ito. Kaya paano ka naman napadpad dito? Tapos nagkataon pa na nakita mo ako at nilapitan. Sigurado ka ba na hindi mo talaga ako sinusundan?" tanong ko muli sa kaniya. Nakuryoso rin kasi ako. Ang coincidence naman na nagkita muli kami rito. "Why would I follow you? Just think of me as a traveler. Naggagala lang ako mag-isa rito at naglalakad. Hindi ko rin naman inaasahan na makikita kita rito. I don't even know you." "Hindi rin naman kita kilala. Hindi natin kilala ang isa't-isa, kaya bakit mo ako inalukan ng pera? Ng trabaho, I think? Mukha kasing part time job ang pagbibigay ng dugo dahil nagkakapera ako." "You look broke, that's why I offered you that. Ang mahalaga ay hindi ka nagkaroon ng pera ng libre lamang. Sapat na b ito?" Binilang ko naman ang tig-iisang libong piso na iniabot niya sa akin. Ang lulutong pa ng mga pera na 'yon at mukhang galing pa sa bangko. Ang bango pa! Ngayon lang ako nakahawak ng ganoon karaming pera. Nagtataka naman ako nna tumingin sa kaniya nang mabilang ko ang kabuuang halaga no'n. "Bakit may sobra na five thousand pesos?" "It's your bonus for having such a great blood." Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niyang iyon. Ang mahalaga ngayon ay may pera na ako. "Pwede bab na bantayan mo muna saglit ang mga gamit ko rito? Promise, babalikan kita. Kailangan ko lang na bayaran na agad ang upa sa dorm namin. Para makabalik na rin ako roon at maipahinga ko ang sarili ko bago ako mag-donate ng dugo," paalam ko pa sa kaniya. Tinanguan niya lang ako saka ako nagmadali na umalis doon. Ngunit sadyang malas talaga ang buhay ko. Dahil nang makabalik ako sa aming dorm ay may kasama nang iba si Ricselle sa loob. Isang babae rin iyon at mukhang close friends ni Ricselle. Ibig sabihin ay may nakalipat na agad nang makaalis ako. Nagtanong pa ako sa nagbabantay ng dorm at sinabi niyang wala nang bakante roon na kwarto para sa akin. Lugmok ako na bumalik sa kinaroroonan ng mayaman na lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Nang makita niya ako ay agad na siyang tumayo at kinuha ang mga gamit ko. "It seems like you don't have a place now. Let's go first in my house. I won't harm you, don't worry." "Talaga? Pwede po ba muna akong mag-stay sa bahay mo?" Kakapalan ko na ang mukha ko. Walang-wala na rin naman talaga ako ngayon. Mukhang ang lalaki na ito ang makakatulong ng bahagya sa buhay kong napaka-malas. Sa kaniya na lang muna ako sasama ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD