CHAPTER SIX

1000 Words
"Bye, girl! I will miss you," plastik na paalam sa akin ng ka-dorm ko. Hindi ko na siya nilingon pa at dere-deretso na akong umalis sa dorm. Hindi rin kasi umalis ang matandang babae roon hangga't hindi ako umaalis. Hindi na ako sumubok pa na mas magmakaawa, dahil mukha namang pinagtatawanan na ako ng hinamungkal na babae na kasama ko sa dorm. Hindi ko akalain na gano'n din kademonyita ang isang iyon. Kung hindi lang talaga ako naghihirap, kaya ko naman siya na labanan. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala akong kakampi sa mundong ito dahil wala naman akong pera. Kung sino ang mga mapepera, sila lang ang mapapaburan sa lahat ng bagay. Mabuti na nga lang at kaunti lang ang mga gamit ko, kaya kaunti lang din ang dala ko ngayon. Nakaayos din naman ang lahat ng mga gamit ko sa aking kwarto. Kaunti lang ang mga damit ko at puro luma pa. Dahil hindi naman ako makabili ng mga bagong damit, lalo na at kailangan kong magtipid. Minsan nga ay tinatawanan na ako sa aming unibersidad dahil sa mga damit na sinusuot ko. Hindi ko naman na sila pinapansin pa. Siguro inisiip nila na sobrang jologs ko na sa paningin nila, kaya ganoon. Alam naman nila na sobrang hirap ko sa buhay. Hindi ko naman sila inaano, pero parang halos lahat ng tungkol sa buhay ko ay kalat sa unibersidad. Akala mo naman ay isang malaking kasalanan kapag libre lang ang tuition. "Saan naman na ako pupunta ngayon?" bulong ko sa sarili ko. Napapabuntong-hininga na lang ako habang parang nanghihina na naglalakad. Ang malas talaga ng buhay mo Reign... Saan kaya ako makakahanap ng mayaman na lalaki? Kahit hindi na maayos ang itsura ay ayos na sa akin. Basta huwag lang matanda. Hindi naman ako gano'n kadesperada sa pera para maghanap ng sugar daddy. Pero kahit hindi kagwapuhan at mayaman na lalaki ay papatusin ko. May kagandahan din naman ako, at proud ako na matangos ang ilong ko. Ewan ko nga lang kung papatusin ba ako kapag may nahanap ako na mayaman na lalaki at single. Jusko, pasensya na po Lord sa mga naiisip ko ngayon. Wala na akong iba pang maisip na paraan para magkaroon ng pera. Lalo na at wala na rin namang ibang tutulong sa akin bukod sa sarili ko lamang. Isa pa, ayoko rin naman na magnakaw ako. Sira na nga ang buhay ko ay mas lalo pang masisira sa oras na mahuli ako na nagnakaw. Habang naglalakad ay napagod ako at napadpad sa isang convenience store. May mga upuan sa labas, kaya naman ay umupo muna ako roon upang magpahinga. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayon. Pero may mga kailangan pa akong ipasa na activities. Ni wala pa akong nagagawa sa mga activities ko. Tambak na naman ako kaya mas lalo akong mai-stress. Pwede kaya na sa lansangan na lang muna ako tumira at matulog? Nag-aaral sa isang maganda at malaking unibersidad pero sa lansangan lang natutulog? Baka kalat na kalat na ang balita na 'yon sa oras na gano'n nga ang mangyari sa akin. Naisipan ko na bumili ng tatlong cans ng alak sa loob. Saka ako muling lumabas at doon ininom ang mga 'yon. Hapon na at wala pa pala akong kain. Ni hindi nga rin ako makaramdam ng gutom. Sana pala ay kumain na ako sa magandang bahay na 'yon kanina. Naalala ko tuloy ang lalaki na naroon. Mayaman na lalaki siya ata mukhang single. Hindi lang siguro siya basta mayaman lang. Dahil halata naman na sobrang yaman niya. Sobrang gwapo pa niya, kaya malamang ay ligwak na agad ako sa kaniya kung sakali man na subukan kong perahan siya. Basta roon lang ako sa mga lalaki na sa tingin ko ay may pag-asa akong pumasa. Habang nag-iinom ako at tahimik na naglalayag ang aking isipan ay may biglang umupo sa harapan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon. Ano naman ang ginagawa niya rito? Sinusundan ba ako ng lalaki na ito?! "So you really love to drink, huh?" tanong pa niya sa akin. Saka niya kinuha ang isang can at binuksan 'yon, bago ko pa mapigilan. "Hey, bakit mo naman ininom 'yan? Wala na nga akong pera tapos ninakaw mo pa ang isang alak ko. Hindi ka ba makabili ng sa iyo?" inis na tanong ko sa kaniya. Ininuman na rin niya iyon saka ako nginisian. "Wala ka na palang pera, pero nagagawa mo pang bumili ng alak?" "Marunong ka pala na magsalita ng tagalog, bakit hindi mo pa ginawa kanina?" tanong ko rin pabalik sa kaniya. Natawa muli siya dahil sa sinabi ko. Siya lang naman ang lalaki na may-ari ng magandang bahay kanina. Maputla pa rin ang kaniyang mukha, tapos sobrang pula ng kaniyang labi. "Do you want some money? I know something that you can have a lot of money." Naalerto naman ako dahil sa sinabi niya. "Talaga? Anong trabaho 'yan? Baka naman ilegal 'yan ha. Kapag mga ilegal ay hindi ko tinatanggap," sambit ko agad. "You just need to donate some of your bloods and you can earn a loot of money from it." "Wow, talaga? Ano naman ang gagawinn sa dugo ko?" "Ibibigay lang nila sa mga nangangailangan." "Magkano ang dugo ko?" "Five thousand pesos per small plastic bag of your blood." Ipinakita niya sa akin kung gaano kaliit ang bag na 'yon at sobrang liit lang! Bali kaunting dugo ko lang ang kailangan nilang kunin, tapos five thousand na agad? "Saan 'yan? Willing akong mag-donate ng dugo!" masayang sagot ko. Nabuhayan na ako ng dugo ngayon, dahil may pag-asa na akong magkapra. Dugo ko lang pala ang makaaktulong sa akin. Kahit ubusin pa nila ang dugo ko, basta magkaroon lang ako ng pera. "I will take you there tomorrow. Mas maganda na walang alak sa sistema mo."" "Ah gano'n ba? Sige ayos lang naman sa akin. Ang kaso wala akong matitirahan ngayon." "Your blood is so fresh... I think it will be delicious..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD