CHAPTER FIVE

1000 Words
"Saan ka naman nanggaling kagabi? Bakit hindi ka umuwi rito?" tanong ng ka-dorm ko. "By the way, may pangbayad ka na ba sa renta? Hindi na raw libre ang dorm natin simula ngayong week. Hindi ko pala nasabi sa 'yo last week, ngayon ko lang naalala," dagdag pa niya. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. "Tangina? Hindi na libre ang dorm natin?!" tanong ko naman sa kaniya. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan? Damn it!" inis pa na sambit ko. Wala na nga akong pera tapos gano'n pa ang ibabalita niya sa akin ngayon. Kahit din naman last week pa niya masasabi sa akin ang balita na 'yon ay wala ring mangyayari. Dahil wala akong maibabayad. Sobrang wala na akong pera. Hirap na hirap na nga ako kaya napagdesisyunan ko na kagabi na tapusin ang buhay ko. Tapos panibagong problema na naman ang mababalitaan ko ngayon. Para tuloy gusto ko nang ituloy ang tapusin ang buhay ko dahil sa walang sawang mga bayarin. Ito na nga lang ang tanging libre sa buhay ko pati ang tuition fee ko sa university, tapos mawawala pa ang libre sa dorm. "Bakit daw nagpapabayad na sila ng dorm ngayon? Hindi na lang hinintay na makapagtapos tayo sa pag-aaral bago nila ipatupad ang bagong rule na may bayad na ang dorm na ito," stress na sambit ko. Nagkibit-balikat naman siya sa akin. "Ewan ko. Ikaw lang naman ang may problema tungkol sa pagbabayad na 'yan. Sa akin naman ay ayos lang dahil may pera ako," nagyayabang pa na sagot niya sa akin. Mas lalo naman akong nainis dahil doon. E 'di ikaw na ang may pera! Kasalanan ko ba na pinanganak akong dukha sa mundong ito?! Gusto kong ibulyaw sa kaniya ang inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko alam kung tama ba na gawin ko 'yon o hindi. Ano pa nga ba ang silbi at magrereklamo pa ako sa malas na buhay ko na ito? Kahit ano namang reklamo at dasal ko ay walang magbabago. Ganito pa rin ang buhay ko at hindi na ako uunlad pa. Wala ni isa ang tutulong sa akin. Wala ni isa rin ang maaawa sa akin. Ni kaibigan nga ay wala rin ako, miski mga kamag-anak man lang na magmamalasakit sa akin. Maya-maya ay may biglang kumatok sa pinto ng dorm namin. Kumabog naman ang dibdib ko. "Ayan na yata ang maniningil ng mga bayad sa dorm natin. Nasaan na ang pangbayad mo?" tanong pa niya sa akin. Nilunok ko naman ang lahat ng kahihiyan ko. Kailangan ko nang kapalan ang mukha ko ngayon, kung ayaw kong mapalayas dito sa dorm ng wala sa oras. Baka pulutin na lang ako sa lansangan kapag ganoon ang nangyari. "Uhm... pwede ba na makahiram muna ako sa 'yo ng pangbayad? Hindi kasi ako nakapaghanda tungkol dito tapos short din ako. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko rin naman agad next month kapag nakasahod na ako." Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Bakit ka pa mangungutang sa akin? Marami ka namangg trabaho, hindi ba? O 'di kaya ay pakiusapan mo na lang ang maniningil na saka ka na magbabayad kapag may sahod ka na. Maghanap ka na lang ulit ng panibagong trabaho, marami ka naman sigurong mahahanap pa. Hindi kasi ako nagpapa-utang dahil pera naman ito ng magulang ko at hindi sa akin," sagot niya. Napabuntong-hininga ako nang talikuran na niya ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya? Puro naman siya rason. Ayaw na lang niya akong deretsuhin na ayaw talaga niya akong pautangin. Hindi ko alam kung bakit ang damot niya sa akin, kahit na matagal na kaming magkasama sa dorm. Maayos din naman ang pakikitungo ko sa kaniya. Siguro may mga gano'n talagang klase ng tao. Pinapasok niya ang isang babae sa loob ng dorm namin. Hinanda ko na lang ang sarili ko sa mga dapat kong sabihin sa kaniya. "Ito po ang bayad ko para sa ngayong buwan na rent. Ewan ko lang po sa kasama ko kung magbabayad," sambit agad ng ka-dorm ko. Sumama lalo ang timpla ng aking mukha. Bakit naman kailangan pa niya akong pangunahan ng tungkol sa ganoong bagay? Kaya ko naman na sabihin 'yon sa babae! Nakakainis talaga siya! "May notice naman na inilabas noong nakaraang buwan ang unibersidad ninyo. Kung sino man ang hindi makakapag-handa ng bayad ngayong buwan ay aalis na sa dorm. Wala na ring konsiderasyon, lalo na at ilang taon naman na kayong naninirahan dito ng libre lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ka makakabayad, e libre naman ang tuition mo at ang tirahan mo ng ilang taon," sambit pa sa akin ng babae. "Pasensya na po. Ako na lang po kasi mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko. Hindi rin po sapat ang mga sinasahod ko sa aking trabaho para sa iba pang mga bagay. Sakto lang po ang pera na 'yon para sa pang-gastos ko sa araw-araw. Hindi ko po inaasahan na hindi na libre ang dorm namin. Kaya hindi rin po ako nakapaghanda ng pera ngayon. Pero kung mapagbibigyan niyo po ako ay babayaran ko rin naman po agad sa susunod na buwan. Bali dalawang buwan na po ang bayad ko no'n," paliwanag ko. Umiling naman siya sa akin. "Kailangan mo nang lisanin ang dorm na ito kung wala kang maibabayad sa akin ngayon. 'Yon ang bagong patakaran sa inyong unibersidad. Lalo nan at may mga lilipat din dito na mga estudyyante na handang magbayad para malapit lang sila sa unibersidad." "Pero wala na po akong titirahan sa oras na umalis ako sa dorm na ito. Wala na po akong ibang malalapitan dahil wala rin akong kapamilya o kaibigan man lang." Sinubukan ko pa ang magmakaawa sa matandang babae. Baka sakali ay maawa siya sa akin at pagbigyann ako. Ito pa lang naman ang unang beses. Ngunit inilingan niya muli ako. Nawalan naman na ako ng pag-asa. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, hija. Kailangann mo nang umalis." Ang hirap talaga na mamuhay sa mundong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD