CHAPTER TEN

1000 Words
Kinabukasan ay mabilis akong nag-ayos at naghanda. Excited na akong makuha ang pera na malilikom ko ngayong araw. Oh, naibigay na nga pala sa akin ni Mr. Brickell ang advance payment kahapon. Baka ang dugo ko lang pala ang makakapag-payaman sa akin! Kung alam ko lang ay baka ubos na ang dugo ko kakabenta noon pa. Pero siyempre ay hindi naman ako gano'n kabaliw para gawin 'yon! Hinihintay ko na lang sa labas ng mansiyon si Mr. Brickell. Nilalabas niya lang daw ang sasakyan niya. Saka ko lang napansin na hindi pala naarawan ang bahay ni Mr. Brickell. Para bang may transparent na nakabalot sa kabuuan ng bahay para hindi ito maarawan. Tirik na tirik dapat ang araw ngayon, pero hindi ko masiyadong makita. Baka normal talaga ang ganito sa mga mayayaman. Ignorante lang talaga ako kaya wala akong alam. Nilingon ko ang ibang mga bahay sa subdivision na 'yon at hindi rin naaarawan. Napapaisip naman ako kung paano nangyaring hindi naaarawan ang mga bahay na narito. Nang lumabas na ang sasakyan niya ay agad na akong sumakay sa passenger's seat. Nilagay ko agad ang seatbelt. Ngayon lang ako nakasakay sa passenger's seat. Napakaganda pa ng sasakyan niya. Minsan lang ito mangyari sa buhay ko, kaya susulitin ko na kahit papaano. Baka nga sa oras na maibigay ko na ang dugo ko ay kailangan ko nang maghanap ng bagong matitirahan ko. "Malayo po ba ang pupuntahan natin?" tanong ko. Ang tahimik kasi at hindi naman ako sanay na hindi ako dumaldal. Ngunit halos mapanganga ako nang makita na sobrang tirik ng araw. Nakalabas na kami sa subdivision. Lumingon pa akong muli sa subdivision at makulimlim talaga sa lugar na 'yon. Para bang iisipin mo na hapon na roon at wala nang araw. High-tinted naman ang sasakyan niya ngayon, kaya hindi rin kami naaarawan. Pero nakasuot pa rin ng sunglasses itong si Mr. Brickell. Nakasuot din siya ng jacket. Balot na balot siya. Ganito siguro talaga ang pormahan ng mga mayayaman. "Woah, ang galing naman. Ano ang inilalagay sa subdivision na 'yon at hindi man lang naarawan kahit tirik ang araw?" tanong kong muli. "This is the answer to your first question, yes medyo malayo ang pupuntahan natin. You can sleep if you want. Second, there's a transparent thing covering the whole subdivision from the sun," sagot niya sa akin. Napa-O naman ang bibig ko. "Wow. Sensitive ba talaga ang mga mayayaman sa init ng araw? Ang astig lang po kasi." "You can say that." "E ikaw ba? Bakit ayaw mo sa araw? Healthy daw kaya ang init ng araw kapag umaga." "I hate the sun. Mas gusto ko pa na gabi na lang palagi at huwag nang mag-umaga pa." Kung sabagay. Mas tahimik ang lugar kapag gabi at walang gawain kapag gabi, hindi katulad kapag umaga. "Kung ako rin ang tatanungin ay mas maganda nga ang gabi kaysa umaga," opinyon ko rin. Hindi na muli siya umimik pagkatapos no'n. Wala na rin naman akong masabi kaya hindi ko na siya dinaldal pa. Pinanood ko na lang ang mga nadadaanan namin na lugar. Hindi rin ako pala-gala kaya hindi ako masiyadong pamilyar sa ibang lugar na malayo na mula sa amin. Ayoko naman na matulog. Baka mamaya ay hindi na ako magising pa kapag natulog ako. Kailangan ko ring tandaan kung ano ang mga dinadaanan namin. Hindi pa rin ako lubos na nagtitiwala sa kasama ko ngayon. Kahit na dalawang beses na akong natulog sa bahay niya. Ah basta! Dapat ay maging alerto pa rin ako at huwag magpakante. E ano naman kung mayaman siya? Baka mamaya ay mga ilegal na negosyo pala ang mayroon siya, tulad ng nagbebenta ng mga lamang-loob ng isang tao. "Why do you look so tense? Iniisipan mo ba ako na may masamang gagawin sa 'yo?" biglang tanong niya sa akin. Nagulat pa ako dahil bigla siyang nagsalita, kaya napatingin agad ako sa kaniya. Ngunit mas nakakagulat ang kaniyang sinabi. "Huh? Nababasa mo ba ang nasa isipan ko?" hindi makapaniwala na tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napangisi at bahagya akong sinulyapan. "So you're really thinking something bad about me, huh?" Napapikit naman ako at nasapo ko ang aking noo. Ang tanga ko naman! "S-Sorry po. Inaalerto ko lang naman ang sarili ko. Lalo na at hindi naman talaga kita lubusang kilala." "I also don't know you, but here you are with me right now. Who knows? You can kill me now." "Hala! Hindi naman po ako masamang tao katulad ng iniisip mo na 'yan. Wala po akong gagawin na masama sa 'yo. Malaki pa nga ang pasasalamat ko sa 'yo dahil natutulungan mo ako ngayon. Malaking bagay na ito sa akin," sagot ko agad. Umiiling-iling pa ako. Baka mamaya ay nainis siya dahil iniisipan ko siya ng mga hindi magagandang bagay. Nag-aral kaya siya ng psychology course? Parang ang galing niya kasing magbasa ng utak ng isang tao. Natawa siya dahil sa naging reaksyon ko. "I'm also not a bad guy. I helped you with what you need, yet you still think that I'm a bad guy? In fact, you will also help me by the use of your blood. Not just me, but also others that will need your blood." "Opo, sorry po ulit. Hindi na po ako mag-iisip pa ng mga ganoon na bagay. Pasensya na po talaga." Lumipas ang oras at nakarating na kami sa isang maliit lamang na ospital. Akala ko pa naman ay maganda at malaking ospital ang pupuntahan namin, ngunit mukhang haunted hospital itong napuntahan namin. Sobrang tahimik sa paligid. Nangingilabot ako sa paligid tapos parang nasa gitna pa ng kagubatan. Baka naman dito na tatapusin ang buhay ko? Mabilis naman akong napailing nang maisip ko 'yon. Kasasabi ko lang kanina na hindi na ako mag-iisip pa ng mga masasamang bagay katulad no'n. Maglalakad na sana si Mr. Brickell palapit doon nang pigilan ko siya. "May mga pasyente po ba sa ospital? Parang abandunadong ospital na ang gusali na 'yan." "They are not patients, they are different creatures..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD