Napaatras naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Brickell. Nakaramdam na agad ako ng takot. Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang pakiramdam ko. Papunta pa lang kami rito ay hindi na maganda ang nararamdaman ko. Lalo na ngayong nakita ko ang lugar na pinagbabaan namin. "A-Ano ang ibig mong sabihin? Ospital ba talaga 'yan? B-Bakit walang pasyente? T-Tapos... kakaibang nilalang ang nariyan?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Pinilit ko ang aking sarili na huwag ipakita sa kaniya na natatakot na ako ngayon. Masiyadong malayo ang lugar na ito. Kaya pala malayo rin ay dahil may binabalak talaga siyang hindi maganda sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako makakatakas sa lugar na ito ngayon. Hindi ko saulo ang mga dinaanan namin. Mukhang malayo rin ang lugar na ito sa bayan, kung saan

