[THE REAL STORY BEHIND THE DEATH OF REIGN’S PARENTS] “Hon, hindi ka ba aalis ngayon? Akala ko ba ay mamimili ka sa palengke?” “Hindi muna, Ria. Dito muna ako sa bahay para bantayan ka.” “Huh? Ano ka ba, Hon. Huwag mo na akong alalahanin pa dahil kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka saglit ka rin naman na mawawala dahil pupunta ka lang sa pamihilihan.” Napabuntong-hininga naman ang asawa ni Ria dahil sa kaniyang isinagot. “Nag-aalala ako sa ‘yo. Baka sa sandaling oras na mawala ako sa tabi mo ay may mangyaring hindi maganda sa ‘yo. Lalo na at buntis ka pa naman sa unang anak natin,” sagot naman ni Hon sa kaniya. Ngumiti si Ria sa kaniyang asawa para mas mawala ang pag-aalala nito. “E ‘di isama mo na lang ako. Tutal naman ay kaya ko pang maglakad. Exercise na rin ‘yon dahil malapit ko

