Chapter 6

2181 Words
Amara’s POV “Sandali, saan ang iyong punta?” Hindi palang ako nakakahakbang pero mukhang mahuhuli na yata ako. Grabe naman! Hindi man lang ako paabutin sa first floor? Hindi yata talaga hahayaang makalabas sa mansyon na ‘to. Ang boses ng lalaki ay nagmula sa aking likuran. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong ako ang kinakausap nito. Wala namang ibang narito bukod sa akin. Hindi pa ako nakakaikot sa buong second floor pero parang may pumipigil na sa akin. Kinakabahan ako kung lilingunin ko ba ang tumawag sa akin. Pero may choice ba ako? Hindi naman pwedeng takbuhan ko na lamang siya. Edi nabuking ako to the highest level! Kung may kakayahan lang din sana akong mag-teleport, edi sana hindi na ako nagpapakahirap ngayon. Effortless lang sana akong makakaalis dito. Kung makakapag-teleport lang talaga ako, maglalaho ako agad sa mundong ‘to at babalik sa amin nang walang kahirap-hirap. Kumawala na muna ako ng buntong-hininga bago lingunin kung sino man ang tumawag sa akin. Pilit akong ngumiti sa matandang lalaking tumawag sa akin upang hindi niya ako paghinalaan. Kailangan kong galingang um-acting para kapani-paniwala. “Bababa na po sana ako upang mag-asikaso ng mga bisita,” palusot ko. “Hindi ba’t ikaw ang inatasang maghahanda at magdadala ng mga inumin sa grupo nila Prinsipe Lysander?” Napalunok ako. “Ah, oo nga po pala!” Napakamot ako ng ulo. Nagkunwari akong nakalimutan ko ang ibinilin sa akin. “Pasensya na po, nakalimutan ko dahil sa dami ng ginagawa. Hayaan niyo po’t ipaghahanda ko po sila ngayon din ng kanilang inumin.” “Oh, siya sige. Magmadali ka dahil alam mo naman kung gaano kainipin ang Prinsipe.” Tumango ako. Sinenyasan niya ako na umalis na at asikasuhin na agad ang kanilang ipinag-uutos. Umalis na ang matandang lalaki at nagtungo sa baba na may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang mga desserts. Sinundan ko ng tingin ang laman ng tray na dala-dala niya. Mukhang masasarap ang mga inihahanda nilang pagkain. Ganoon na ganoon ang mga pagkain ng mga mayayaman sa amin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Imbes na sa baba ako magtungo, dumiretso na lamang ako sa kusina. Malakas ang loob kong hindi nila ako makikilala dahil sa dami ba namang tagapag-silbi na narito. Hindi nga ako nakilala ng matandang lalaki kanina. Hindi niya rin napansin na hindi nila ako kauri. Akala nila ay simpleng katulong din ako katulad nila. Pagkatapak ko sa loob ng kusina, namangha ako kung gaano ito kalawak. Halos kompleto ang lahat ng gamit sa pagluluto. Kahit pa marami silang niluluto, hindi pa rin iyon dahilan upang mawala ang kalinisan sa loob. Isa talaga ‘yun sa ikinamangha ko. Napaka-organize ng mga gamit na naroon. May naglalakihang wooden cabinet kung saan naka-classify kung saan ang lagayan ng bawat sangkap, ganoon din ang mga utensils na ginagamit. Sa hula ko, nasa benteng taga-silbi rin ang narito. Baka nga lagpas bente pa, eh. Idagdag mo pa ang mga taga-silbi na kasaklukuyang lumilibot sa palasyo para pagsilbihan ang mga bisita. Ang bawat isa ay may nakatokang trabaho. Lahat ay may ginagawa. “Ano ba!” Nagulat ako nang may bumangga sa balikat ko. Napahawak ako roon dahil iyon ang braso ko na dumugo. Sinigurado kong hindi naman nadiin ng balikat niya ang braso ko. Hindi pwedeng maulit muli ang nangyari kanina dahil wala na akong ligtas ngayon kapag nagkataon. Baka sa pagkakataong ito, malaman na nila na sa akin nanggagaling ang sariwang dugo na kanilang naamoy na hindi ko naman maintindihan kung bakit big deal sa kanila. Hindi pa ba nila naranasang magkasugat at dumugo? Isang maganda sa uniform na suot ko ay long sleeve kaya hindi kita ang tela na ginawa kong benda sa sugat ko. Nakatago ang braso ko ngayon. Mabuti na lamang din at mahina lamang ang pagkakasagi ng babaeng taga-silbi sa akin. Hindi naman ako nakaramdam ng sakit mula sa aking sugat. Medyo mahapdi nga lang pero manageable naman kahit papaano. “P-Pasensya na,” paghingi ko ng paumanhin. “Ano ba kasing ginagawa mo riyan? Nakaharang ka sa daan, alam mo namang nagmamadali ang lahat.” Hindi ko masisisi kung bakit nagsusungit siya ngayon sa akin. Kasalanan ko rin naman dahil ako itong paharang-harang. Nasobrahan ako sa pagkamangha sa nakikita ko. “Sorry ulit,” wika ko. Inirapan lang ako nito. Kilay palang niya, alam ko nang masungit. Well, makikilala mo rin kasi ang babae base sa kurba ng kilay niya. Akmang lalagpasan na niya ako nang huminto ito at muli akong hinarap. “Hindi ako tumatanggap ng pasensya lang. Halika, may iuutos ako sayo nang makabawi ka sa akin.” “H-Ha? Anong ib-” Hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Hinila na lamang ako nito patungo sa mga naghahanda ng inumin. May bawat section sa kusina. May section para sa main dishes, desserts and drinks. Sobrang organize talaga ng process nila rito. “Ito,” turo ng babae sa mga basong nakahilera sa harap namin. Anim na baso ang nakalagay sa tray ngunit wala pang mga laman ang mga iyon. Anong gagawin ko roon? “Ako ang maghahanda ng inumin ngunit ikaw ang magdadala sa baba.” Ha? “Pero may gagawin pa ako,” ani ko. Inutusan ako ng matandang lalaki kanina na dalhan ng inumin ang grupo nila Prinsipe Lysander. Mukhang malilintikan pa yata ako dahil for sure, makikilala niya ako! Siya ba naman itong naglagay sa akin sa kapahamakan. Kung hindi lang siya pakialamero, edi sana hindi ako nagpapanggap ngayon. Kung bakit naman kasi kinilatis pa niya ako! “Maliban kay Prinsipe Kyro, si Prinsipe Lysander ang pinakaimportante at kailangang unang pagsilbihan natin parati. Kaya mamaya na iyang gagawin mo.” “Teka, maliban kay Prinsipe Lysander?” “Tila lumulutang ang iyong isip. Klaro naman ang pagkakabanggit ko sa pangalan ng Prinsipe. Oo, si Prinsipe Lysander ang tinutukoy ko.” Kung gayon, siya dapat ang tagapag-silbi na maghahatid ng inumin sa grupo ng Prinsipe at napagkamalan lamang ako ni Manong kanina. Pero ito ngayon, nagkita kaming dalawa at ako na talaga ang gagawa dahil ipinapasa niya sa akin ang utos na para sa kaniya dapat. “Diyan ka lang ha. Huwag mong susubukang takbuhan ako. Kukunin ko lamang ang itinabi kong inumin na para lamang sa grupo nila Prinsipe Lysander.” Pinandilatan ako nito ng mata at nagbabanta na huwag na huwag akong aalis kung ayaw kong malagot. Hindi pa siya agad tumalikod, tiningan pa ako nito nang ilang segundo. Wala naman akong balak takbuhan siya. Tutal ito rin naman ang dapat na gagawin ko. Coincidence lang na nakasalubong ko siya at ngayon ay inuutos niya talaga sa akin. Naglakad siya patungo sa malaking fridge na naroon sa gitna ng drinks section. Kinuha niya mula roon ang dalawang malalaking red wine. Nasabi kong red wine dahil sa kulay nito. Sabagay, halos red wine naman lahat ng inumin nilang inihanda. Hinintay ko siyang makabalik. “Mabuti naman at masunurin ka,” wika ng babae. Nagsusungit pa rin siya hanggang ngayon. Meron ba siyang dalaw ngayon kaya ganito siya kairita? “Pinalaki ako ng Lola ko na makinig sa mas nakakatanda.” May halong pang-aasar ang tono ko. Napatigil siya sa pagbubukas ng bote ng wine. “Anong sabi mo?” “Hindi ba klaro ang sinabi ko? Kailangan ko pa bang ulitin?” “Sinasabi mo bang matanda na ako, ha?” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Wala akong sinabing ganoon, ikaw ang nagsabi niyan.” Pinokus ko na lang ang paningin ko sa mga baso na pagsasalinan niya ng red wine. Hindi ako nag-aksaya pang tingnan siya sa mukha dahil baka lalo pa siyang mainis. Bago siya bumalik sa kaniyang ginagawa, naramdaman ko ang masasakit na tingin na itinapon niya sa akin. Akala niya ba hindi ko siya babawian? Masyado siyang masungit. Kung attitude siya, dapat mas attitude ako. Hindi tayo magpapatalo! Matapos nitong salinan ang anim na baso, inayos niya ang pagkakalagay sa tray. Kumuha rin ito ng tissue at inilagay sa lagayang naroon din sa tray. Siniguro niya munang malinis ang laman ng bawat baso. “Mahal ang inumin na ito kaya mag-iingat ka kung ayaw mong wala kang makain ng isang buwan. Ilang buwan mo rin iyang pag-iipunang kapag nagkataon.” Huminto siya saglit at saka ipinagpatuloy ang kaniyang bilin. “Umalis ka rin agad pagkabigay mo nito sa lamesa nila.” Out of curiosity, napatanong ako. “Teka, kaano-ano muna ni Prinsipe Kyro si Prinsipe Lysander? Magkapatid ba silang dalawa?” Tiningnan niya akong nagtataka. “Nasaan bang lupalop ang isip mo, ha? Talaga namang ang dalawang Prinsipe ay hindi mo kilala? ‘Yong totoo, nasa maayos na pag-iisip ka pa ba? Walang taga-rito ng hindi kilala ang dalawang Prinsipe.” Grabe naman itong mag-direkta! Prangka kung prangka talaga! Aba! Malay ko ba kung sinu-sino ang mga Prinsipe rito sa mundo nila! Hindi naman ako taga-rito, duh! “Pasensya na, bagong tagapag-silbi lamang ako rito kaya hindi ko pa gaano kakilala ang mga Prinsipe.” “Kahit bago ka palang, dapat ay kilala mo sila simula’t pagkabata. Sila lang naman ng kinatatakutan ng lahat kaya imposibleng hindi mo sila kilala. Ang sabihin mo, malapit ka na talagang masiraan ng bait kaya unti-unti na ring naglalaho ang mga ala-ala mo!” Konting-konti na lang, papatulan ko na talaga ito. Pati ba naman dito ay hindi ako tinantanan ng mala-Sharmaine na ugali. Kahit saan ba ako magpunta ay may isa akong makikilala na magsisilbing kontrabida sa buhay ko? “Oh ito, nasaksihan mo ba ang gulong nangyari kanina?” tanong niya sa akin. “Oo,” sagot ko. Iyon lang namana ng pinanood ko kanina sa veranda ni Lysander. “Si Prinsipe Lysander ang leader ng grupong nanalo kanina. Siya ang tinutukoy ko, ang isa sa pinsan ni Prinsipe Kyro.” Nanlaki ako ng mata. Siya ang lalaking walang awa na pumatay sa leader ng kabilang grupo. Akmang aalis na ako ng malaman ko kung sino ang pagbibigyan ko ng inumin na ito. “Saan ka pupunta?” Pagpipigil niya sa akin. “Ikaw na lang ang magbigay ng mga ‘yan. Tutal ikaw naman talaga ang inutusan na maghatid sa kanila,” wika ko. Kung ang lalaking iyon din lang pala ang pagsisilbihan ko, huwag na lang. Baka maamoy pa niya ako at makilala na ako’y naiiba, baka ako ang isunod niyang paslangin. Halos patayin na niya ako kaninang hinawakan niya ako, eh. “Hindi pwede! Hindi pwedeng ako ang maghatid nito sa kanila.” Nagtaka ako. Siya nga itong inutusan kaya paanong hindi pwedeng siya ang magdala nito sa kanila? Ano? May choice kung ano lang ang susundin na utos? “Bakit hindi pwede?” Ang kaninang tapang niyang magsungit sa akin ay napalitan ng hiya. Yumuko ito dahil hindi siya makatingin nang diretso sa aking mga mata. “Dahil makikilala ako ng isa sa mga kaibigan ni Prinsipe Lysander. Malalaman niyang ako ang sumipa sa kaniya kanina dahil tumanggi ako sa nais niyang mangyari.” “Ano ang ibig mong sabihin?” Nakita ko ang ilang butil ng luha na nalaglag mula sa kaniyang mga mata. “Muntikan na niya akong pagsamantalahan kanina,” nanginginig niyang sambit. What the? “Kaya nakikiusap ako, ikaw na lamang ang magdala nito sa kanila? Umalis ka na lang agad para makaiwas sa kanila.” Dahil sa nalaman ko mula sa kaniya, wala na akong choice. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang idala ito sa kanila. Valid naman ang reason niya. Ayoko rin namang magmatigas at hayaan na lamang kung ano man ang mangyari sa kaniya once nalaman ng isa sa mga kaibigan ni Prinsipe Kyro na siya ang babaeng tumanggi sa kaniya. Kinakabahan man, hindi ko pinakita ang takot na nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko ang tray at humakbang na palabas ng kusina. May mga nakakasalubong ako sa daan ngunit hindi nila ako napapansin. Tila ordinaryong taga-silbi lamang talaga ako sa pangingin nila. Kahit papaano, nababawasan ang kaba ko dahil ibig sabihin, maaari akong gumalaw nang malaya. Pagkarating ko sa venue, huminto na muna ako sa gilid upang hanapin ang table nila Prinsipe Lysander. Naalala ko pa naman ang mukha nito dahil natitigan ko siya kanina habang nakikipaglaban. Ang maangas na dating nito at ang kulay abo nitong buhok ang isa sa basehan para makilala ko siya. “Sige, sayaw pa!” Nahagip ng atensiyon ko ang isang grupo ng kalalakihan na nakaupo malapit sa pool. Nagkakasiyahan sila habang sumasayaw ang dalawang babae sa mismong harapan nila. Pinapalibutan ng grupo ng lalaki ang dalawang babae na iyon. Nang tingnan ko ang mga babae, nakasuot lamang sila ng maikling short at manipis na tube. Na-gets ko na kung anong nangyayari. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang bagong dating na lalaki sa grupo. Si Prinsipe Lysander. Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Naupo siya sa bakanteng upuan. Tila may pinuntahan lamang siya saglit at bumalik din lang agad. Kung gayon, ang grupong iyon ang grupo ni Prinsipe Lysander? Tiningnan ko ang dala kong tray. Kaya ko bang dalhin ito sa kanila? Kaya ko bang harapin ang nilalang na walang awang nakapaslang kanina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD