Amara’s POV
“Prinsipe Kyro?” banggit ko sa pangalan nito.
Anong ginagawa niya rito?
Nasaan na si Jaze?
Nasa harapan ko lang ito kanina at determinado pa itong paslangin ako. Pero hindi iyon nangyari. Pagdilat ko ng mata, wala nang Jaze bagkus si Prinsipe Kyro ang nadatnan ko sa aking harapan.
Huwag niyang sabihing dumating na naman siya para iligtas ako?
Imbes na kumibo ito, mas pinili niyang tapunan ako ng masamang tingin. Base sa reaksyon niya, hindi siya natutuwa sa nangyayari.
Okay, I got it. For sure, nalaman na niyang sinuway ko ang ibinilin niya sa akin na huwag tumakas o umalis sa kwarto nito. Ngayon, alam na niya kaya ganito na lang siya makatingin sa akin.
“Kyro!” galit na sambit ng isang lalaki.
Nang lingunin ko ang tumawag sa pangalan ni Kyro, nakita ko si Prinsipe Lysander na nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa isa pang Prinsipe.
“Anong karapatan mong paslangin ang isa sa mga miyembro ko?”
Naglakad naman papalapit sa kaniya si Kyro. Hindi ito nagpasindak sa nakakatakot na tono ni Prinsipe Lysander. Mas binigyan niya ito ng nakakatakot na tingin. Bakas sa kanilang mga titig ang tensyon na namamayani sa pagitan nilang dalawa.
“At anong karapatan ng walang modong miyembro mo na galawin ang sino mang pagmamay-ari ko?” Binato niya ito ng isa ring tanong.
Hindi na ako magtataka na magpinsan nga talaga sila. Parehas silang ayaw magpaawat. Nananalaytay na siguro sa dugo nila ang pagiging matigas.
Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tingnan ako ni Prinsipe Lysander. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila jinudge niya ang buong pagkatao ko sa loob lang ng ilang segundo.
Aba!
He smirked. “Pagmamay-ari mo?” pang-uulit nito matapos niyang ibaling kay Kyro ang kaniyang atensyon na kanina ay nasa akin lang.
“Lahat ng nakikita mo rito sa mansyon ay pagmamay-ari ko,” mariing sambit nito.
Wow ha!
So dine-declare niya nang pagmamay-ari niya ako?
Kahit gusto kong kontrahin ang sinabi nito, wala ako sa lugar para umeksena. Knowing na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon. May problema na nga akong ginawa, dadagdagan ko pa ba? Well, hindi naman talaga ako ang may kasalanan. Ang Jaze na iyon ang may kasalanan!
Speaking of Jaze, tama ba ang narinig ko mula kay Prinsipe Lysander? Pinaslang ni Kyro ang isa sa mga miyembro niya at ang isang iyon ay si Jaze?
Pinatay niya si Jaze bago pa niya ako subukang paslangin?
“Talaga bang pagmamay-ari mo ang babaeng iyan, Kyro? Totoo bang nanggaling siya rito sa mansyon?”
Kahit hindi nito direktahin ang sinasabi niya, aware ako na may mas malalim pang ibig sabihin ‘yon. Hindi rin naman siguro shunga si Kyro para hindi niya ma-gets ang ibig ipahiwatig ng pinsan niya.
Hindi siya naniniwalang nanggaling ako sa mansyon. Mula kanina, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Pinagdududahan pa rin niya ako hanggang ngayon.
“Alam mo, hindi ko dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga walang kwenta mong mga tanong. Hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko sayo.”
Tinalikuran ni Lysander ang kaniyang pinsan. Ngunit nanatiling nakatingin pa rin si Prinsipe Kyro kay Lysander habang naglalakad ito papalapit sa akin.
Ang mga naiwang bisita ay sa amin nakatuon ang kanilang mga atensyon.
Halos walang maririnig na ingay upang mas bigyan ng katahimikan ang pag-uusap ng dalawang magpinsan. Maging ang mga miyembro ng grupo ni Prinsipe Lysander ay hindi rin nakaimik. Hindi man lang sila magluksa na nawalan sila ng isang miyembro. Well, hindi naman kawalan sa grupo ang isang katulad ni Jaze.
Huminto si Kyro sa harap ko.
Hindi pa rin nito inaalis ang masamang tingin na binibigay niya sa akin.
“Sumunod ka sa akin,” tipid nitong utos.
Iniwan niya akong nakatulala. Nakakailang hakbang na siya nang bumalik ako sa pokus. Agad naman akong tumakbo para sundan siya.
Walang sino man sa mga bisita ang nagtangkang humarang sa daan.
Lahat sila ay nasa gilid para bigyang daan ang isa pang Prinsipe.
Ngunit bago pa makapasok sa loob si Kyro, nagbitaw ng ilang mga salita si Prinsipe Lysander.
“Payong pinsan lamang Kyro, mag-ingat ka sa mga nilalang na pinapapasok mo sa ating teritoryo.”
Anong ibig niyang sabihin?
Parang sinabi na rin niya na mag-ingat ang kaniyang pinsan sa akin.
Kung tutuusin, ako pa nga dapat ang mag-ingat sa kanila! Sila kaya itong mga engkanto! Walang kahirap-hirap na pumaslang ng kapwa nila. Kauri nga nila ay kaya nilang kitilin ang buhay, paano pa kaya akong hindi naman talaga taga-rito? Hinding-hindi nila ako kakaawaan.
Huminto saglit si Kyro ngunit nanatili itong walang imik. Nagpatuloy siya sa paglalakad papasok sa loob. Habang ako naman, parang tuta na nakasunod sa kaniyang Amo.
Ang lahat ng nakakasalubong ko sa daan ay hindi maiwasang tumingin sa akin.
“Sino siya?”
“Ngayon ko lang siyang nakita, mukhang bagong salta sa Kaharian.”
“Bakit siya ipinagtanggol ni Prinsipe Lysander, eh ‘di hamak na taga-silbi lamang naman siya.”
Kung akala nila ay bulong lamang ito, pwes nagkakamali sila. Rinig na rinig ko kaya, hello! Sana mas nilakasan pa nila para marinig na ng lahat, ‘di ba? Nahiya pa sila eh.
Nang makaakyat kami sa second floor, agad akong hinarang nu’ng babaeng tagapag-silbi na nag-utos sa akin na ako ang magdala ng mga inumin sa grupo ni Prinsipe Kyro.
“Anong nangyari?” garalgal niyang tanong. “Nabalitaan kong wala ni Jaze. Paano nangyari ‘yon? Anong ginawa mo? May nangyari bang masama sayo? Sinaktan ka ba nila?”
Hindi ko sinagot ang mga tanong niya, bagkus ay nginuso ko lamang ang lalaking kanina ko pa sinusundan. Patuloy itong naglalakad. Hindi ko alam kung aware ba siyang wala na ako sa likod nito. Paakyat na siya ngayon sa third floor.
“Magkakilala kayo ng Prinsipe?”
Kung makatanong siya ngayon sa akin, akala mo eh hindi ako nito sinungitan kanina. Ngayon, kung makahawak sa magkabilaang kamay ko, akala mo ang tagal na naming magkakilala at ganoon na lamang kami kalapit sa isa’t-isa.
“Alam mo, daig mo pa ang investigator sa dami ng tanong. Mamaya na lang kaya kita sagutin, ‘no? Baka kapag inisa-isa kong sagutin ang mga tanong mo, ako naman ang malilintakan.”
Si Kyro ang tinutukoy ko. Malilintikan niya talaga ako. Ramdam ko na. Ikaw ba naman ang sindakin sa pamamagitan lamang ng tingin!
“Oh siya, sige. Sundan mo na ang Prinsipe.” Binitawan na nito ang mga kamay ko sabay yuko. Tila may gusto pa siyang sabihin. “Pero nawa’y huwag mo akong ipagkanulo kay Prinsipe Kyro. Ayokong mawalan ng trabaho, paano na lamang ang nakababata kong kapatid at si Inay?” Baka sa boses nito na pinipigilan niyang humikbi ngunit hindi niya ito maitatago sa akin.
“Huwag kang mag-alala, hindi kita isusumbong.”
Tinalikuran ko na siya at agad tumakbo. Kailangan kong habulin si Prinsipe Kyro dahil hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito sa mansyon nila. Sa sobrang lawak nito, malaki ang chance na pwede akong maligaw.
Wala na akong pakialam sa mga bulungan ng mga ilang babae na nakaupo sa mahabang sofa na nasa tabi ng malaking piano. Nag-ingat na lamang ako sa pag-akyat sa hagdan.
Nang makarating ako sa third floor, agad ko siyang hinanap ngunit ni anino niya ay hindi ko matanaw.
Hala! Nasaan na siya?
Nakakalula ang lawak ng palapag na ito. Hindi ko ala kung saan ako maglalakad. May hallway kasi na nasa kanan at may hallway rin sa kaliwa. Hindi ko alam kung anong direction ang paakyat sa fourth floor kung nasaan ang kwarto ni Prinsipe Kyro.
Teka, nasaan na ‘yung library na pinagbabaan ko kanina?
Oh, ‘di ba! Sa lawak talaga nito, hindi ko na rin alam kung saan ba ako naglakad kanina habang pumupuslit ako.
Bahala na nga!
Naglakad na lang sa right side. Mahaba at malawak na hallway ang dinaraanan ko. Super linis din ng semento nito, hindi ko nga sure kung semento ba talaga ito. Parang marmol ang flooring nito.
Sa paglalakad sa hallway, ilang silid na ang nalagpasan ko. Hindi ko na nga nabilang, basta magkabilaan ito. Kung hindi lang ito sariling mansyon ng pamilya nila Prinsipe Lysander at Prinsipe Kyro, mapagkakamalan ko itong hotel.
Ang daming kwarto, eh.
Well, hindi naman ako sure kung kwarto ba talaga ang mga iyon. Hindi ko naman matukoy dahil nakasara itong lahat.
Ilang minuto na rin akong naglalakad at buong akala ko ay mali ang napili kong daan pero nabuhayan ako nang makita ko hagdan paakyat ng kasunod na palapag.
Binilisan ko na ang paglalakad.
Ilang steps din ang hagdan na inakyat ko kaya naman sa huling step ng hagdan, napabuntong-hininga ako nang malalim. Nakakapagod!
Napahawak pa ako sa tuhod ko dahil feeling ko, nanghihina na ito.
Mas malala pa ang inabot kong pagod dito kaysa sa pagha-hiking ko.
Nang makasigurong kaya ko pa namang maglakad, binitawan ko na ang pagkakahawak sa tuhod ko at umayos ng tindig.
Madilim ang palapag na ito kaya hindi ako ganoon makakilos. Kailangan ko pang kapain ang madadaanan ko. Kung bakit naman kasi hindi nila sinwitch ang ilaw. Kay-yaman-yaman pero nagtitipid sa kuryente!
Nakakailang hakbang na rin ako at patuloy sa pagkapa sa madadaanan nang biglang may matigas na bagay akong nahawakan.
Dahil sa gulat, napatili ako!
“Ay, anak ng kabayo! Ano ‘yon?” Kinakabahan kong tanong.
Sobrang lamig ng bagay na nahawakan ko.
Hindi kaya yelo?
Ice na wala sa freezer?
Nang akmang hahawakan ko na sana para makumpire kung ano ba talaga ‘yung nahawakan ko, napatigil ako nang sumindi ang ilang ilaw na nakasabit sa dingding.
Hindi na ganoon kadilim. Halos mailawan naman nito ang paligid ko kung saan ako nakatayo ngayon.
Hinintay kong magsindi ang huling dalawang ilaw na malapit sa akin.
Kasabay nang pagsindi nito ang siya namang pagkagulat ko nang masilayan ko kung ano ang nahawakan ko kanina.
I mean… sino!
Tao pala ito.
Ngunit teka, bakit ang lamig niya?
Or sadyang naka-aircon lamang sila kaya ganito siya kalamig?
“Hindi lang matigas ang iyong ulo, makupad ka ring kumilos.”
Aba!
Hindi basta-basta iyong nilakad ko, ‘no!
Palibhasa kasi mahaba ang bias niya kaya ang lalaki rin ng hakbang. Ikumpara niya kaya sa akin na 5’1 lang ang height.
Hindi ko pa naipagtatanggol ang sarili nang talikuran na niya ako. Naglalakad na siya papunta sa dulong bahagi ng hallway.
Malamang, doon papunta ang kwarto niya.
Hinayaan ko siyang maglakad nang mabilis. Sinadya ko talagang manguna siya. Ayokong makasabay siya sa paglalakad. Limang hakbang din ang pagitan namin. Nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran.
Hindi ko mapagmasdan ang paligid dahil sa kulang ang ilaw. Tanging ang hallway lang ang naabutan ng liwanag. Nag-focus na lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa likuran ng lalaking sinusundan ko.
Mga walong minuto rin ang nilakad namin. Huminto na ito, indikasyon na nasa tapat na kami ng silid nito.
“Hays, sa wakas.” Hindi ko napigilang ilabas ang mga salita na iniisip ko ngayon. Natauhan ako nang lumingon ito sa akin.
Syempre, magkukunwari tayong inosente at tila walang nangyari.
Tiningnan ko siya. Hindi na ako nito tinititigan nang masama ngunit wala ring nakapinta na emosyon sa kaniyang mukha.
Lumapit siya sa pader na tinapatan niya.
Tila may pinipindot siya roon pero wala naman akong makita na kung ano roon.
Basta ang sumunod na nangyari, may bumukas na pinto.
“May pinto ka pala?” Hindi mapakaniwalang tanong ko.
“Ano sa tingin mo? Sa veranda ako dumadaan kagaya mo?”
Nanlaki ang mga mata ko.
So, he really knew it.
Naalala ko kung paano ako tumakas sa kaniyang silid. Marahil ay nakita niya ang kumot na ginamit ko na nasa veranda. Kung hindi ba naman ako shunga na mag-iiwan ng ebidensya sa pagtakas, eh.
Napatawa tuloy ako.
Pero napatigil din ako dahil tinitigan ako nito nang seryoso.
Tumikhim ako. “Oh, bakit?”
Hindi ako nito pinansin.
Naglakad na lang siya papasok ngunit huminto rin ito sa nang makitang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at parang walang balak na pumasok.
Tinakasan ko nga itong silid niya eh, so bakit papasok ako ulit dito?
Paano ako makakasigurong wala siyang gagawing masama sa akin lalo pa’t dadalawa lang kami sa loob?
Tsaka ang plano ko naman talaga ay umalis na rito sa mansyon nila kaya ano pang ginagawa ko rito? Bakit ko pa kasi siya sinundan?
“Sorry pero kailangan ko nang umalis.”
Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niya akong hablutin papasok sa loob ng kwarto niya.