2

996 Words
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Connor nang mapansin mula sa suot niyang wristwatch na lampas alas otso na ng gabi. Kapag hindi pa dumating ang taong inaasahan niya sa loob ng ten o fifteen minutes ay aalis na siya ng coffee shop para pumunta ng bar. Siguradong kanina pa siya hinihintay ng mga kaibigan niya. "Bullshit!" tiim bagang napamura siya dahil sa pagkainip. May kalahating oras na siguro siyang nakaupo sa isang sulok ng coffee shop at malapit na siyang sumuko sa paghihintay. Hiyang hiya naman siya sa anak ng kaibigan ng daddy niya sa pagpapahintay nito sa kaniya. Nang mapansin ang nagtatakang tingin ng iba pang naroon ay tumungo siya para maitago ang inis sa mukha niya. Alam niya na ang ilan sa mga naroon sa coffee shop ay kilala siya dahil nagmula siya sa isang prominenteng pamilya. Ang daddy niya ang CEO ng KARA, isang higanteng beauty product company sa buong Asya. Limang dekada nang namamayagpag ang kompanya na itinatag pa ng mga naunang henerasyon sa pamilya nila. Ang kaniyang ina naman ay isang former beauty queen at ngayon ay tumutulong na sa pamamalakad ng kompanya nila. Dahil nag iisang anak siya ay hindi na nakapagtatakang lumaki siya sa luho at nasanay na nasusunod ang lahat ng gusto niya. Pero siguro ay totoo ang madalas na sinasabi ng iba na hindi palaging nasa tuktok ang isang tao. Dahil nang ideklara ng kaniyang lolo na kailangan na niyang magkaroon ng fiancée ay para siyang bumulusok paibaba at ibinaon sa ilalim ng lupa. Jesus! napakabata pa niya para magkaroon ng fiancée. Kahit isa sa mga babaeng nakarelasyon niya ay wala pa siyang sineseryoso. Pero ang lolo mo ay seryoso sa sinabi niya sa'yo..naiiling na wika ng kabilang bahagi ng utak niya. Mahinang napaungol siya at hinagod ang sariling batok. Kamakailan lang ay nabanggit ng lolo niya na nag aalala ito sa magiging kalagayan ng pamilya nila kapag nawala na ito sa mundo. Hindi niya lubos maisip kung bakit kailangan pang isipin ng lolo niya ang mga ganoong bagay kung mas malakas pa naman ito sa kalabaw. Ang sabi pa nito ay maliit lang ang pamilya nila. Parang tuldok lamang daw iyon kung ikukumpara sa malalaking pamilya ng ilan sa mga kakilala at kaibigan nito. Nag aalala ito na mas lumala pa ang sitwasyon ng hindi pagdami ng angkan nila kapag hindi pa ito gumawa ng paraan. May limang anak ang lolo niya at ang daddy niya ang panganay sa magkakapatid. Parang nagkasundo ang magkakapatid dahil bawat isa sa mga ito ay binigyan lang ng isang apo ang lolo niya. Lima silang mga apo nito at puro mga lalaki pa. Siguro dahil sa inggit sa mga kakilala ay parang nagdeklara ng world war ang lolo niya nang sabihin nito na kailangan ng magkaroon ng mga fiancée ng limang apo nito. At bago pa siya tumanggi ay natuklasan niya na nakapili na pala ng babaeng pakakasalan niya ang mga magulang niya. Hindi na nag abala ang mommy niya na tanungin siya kung ano ang ideal girl niya at basta lang siya nito ipinagkasundo sa babaeng hindi pa niya nakikilala. Kahapon ay umalis patungong London ang mga magulang niya at isa o dalawang buwan pa bago bumalik ng bansa ang mga ito. Isang plano ang naisip ni Connor. Bago pa umuwi ang mga magulang niya at ayusin ang paghaharap nila ng magiging fiancée niya ay mabuti nang unahan niya sa pagkilos ang mga ito. Kanina ay palihim na pumasok siya sa kwarto ng mga magulang. Nakita niya na itinago ng ina sa isang cabinet ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa babaeng napili nito para sa kaniya. Kinuha niya iyon at agad na isinagawa ang plano. Nagpadala siya ng text message sa fiancée niya para ipaalam na gusto niya itong makausap. Napangisi siya. Marami siyang pagkakataon para ipakita sa magiging fiancée niya na hindi siya karapat dapat rito. Kailangan niyang gawin ang lahat para hindi masunod ang kagustuhan ng lolo niya na magpakasal siya at mabigyan ito ng apo. Iyon ang kondisyon ng lolo niya para ipagkatiwala nito sa kaniya ang branch ng KARA sa Japan. "Ibibigay ko lang sa'yo ang branch ng KARA sa Japan sa oras na makapagtapos ka na ng kolehiyo. Kailangan mong pakasalan agad ang babaeng napili ng mommy mo para sa'yo at bigyan ako ng mga apo." Iyon ang mahigpit na bilin ng lolo niya. "Wow!" pasarkastikong nasabi niya sa sarili. Sa ganito kamodernong panahon ay usong uso pa rin pala ang arranged marriage. Nang tuluyan nang maubos ang pasensiya niya ay mahinang napamura siya at aktong tatayo na ng mamataan sa entrance ng coffee shop ang isang matangkad na babae. Hindi niya alam kung anong mayroon ang babae at kailangan pa niyang pigilan ang sarili sa pagtayo. Literal na tumigil sa pagtakbo ang oras niya nang maglakad ito palapit sa kaniya. Nakalugay ang mahaba at tuwid na buhok nito. May suot itong eyeglasses at kahit hindi iyon ganoon kakapal ay nabuo na agad sa isip niya na malayong malayo ito sa mga babaeng nakasama niya. Maliban sa isang makapal na libro ay wala na siyang nakitang bitbit nito nang lumapit ito sa kaniya. Isang matipid na ngiti ang pinakawalan nito bago naupo sa bakanteng upuan sa tapat niya. "H-hi." mahinang sabi nito. Sapat lang iyon para marinig niya. "Ikaw ba ang fiancée ko?" halos hindi na kumukurap ang mga mata na tanong niya sa babae. Kahawig ng babaeng kaharap niya ngayon ang babae sa nakita niyang picture sa loob ng envelope. Pero ang natatandaan niya ay walang salamin sa mata ang magiging fiancée niya. Biglang namula ang magkabilang pisngi ng babae nang tumingin sa kaniya. Inayos nito ang suot na salamin ng bahagya iyong malaglag sa tungki ng matangos na ilong nito.. "A-ah, sorry, hindi ako si ate Hasmine," she replied with a shy smile. Damn! bakit ba parang nadismaya pa siya ng malaman na hindi pala ito ang fiancée niya? Oh Jesus! kasalanan mo ito lolo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD