Chapter 4

1040 Words
"Pakiusap... Pauwiin mo na ako." Patuloy kong sambit kasabay ng patuloy na paghagulgol ko. Nanginginig na ang pakiramdam ko gawa ng lamig na umaakyat sa aking katawan mula sa sahig na aking kinasasalpakan. Muling pumihit ang doorknob tanda nang pagbukas niyon. Tumayo ako upang salubungin ang taong nagbubukas. "Simon..." Lumuhod ako sa sahig nang makitang ang binata ang bumungad sa may pintuan. Lumapit siya sa'kin saka marahas niya akong pinatayo mula sa pagkakaluhod. Kinaladkad niya ako patungo sa kama at malakas na itinulak dahilan para mapahiga ako roon. "Simon, pakiusap..." nagsusumamo kong pakiusap. "Ang sabi ko sa'yo, magpahinga ka! Pero imbes na magpahinga ka ay iyak ka nang iyak! Ang ingay-ingay mo pa! Inaabala mo ang pagpapahinga ko!" galit nitong saad. "Pauwiin mo na ako. Please..." patuloy kong pagsusumamo sa binata. "Hindi pa tayo nag-uusap!" bulyaw sa akin nito. "Hindi pa ba tayo nakakapag-usap ng lagay na 'to?" patanong ko namang anas sa kaniya. Dumukwang siya sa'kin saka piniga ng dalawang daliri nito ang aking pisngi. "You know what?! Masyadong matabil ang dila mong 'yan." Piniga nito ng husto ang pisngi ko kung kaya't pakiramdam ko tuloy ay namaga iyon. "N-na-sa-nasasaktan ako!" pautal-utal kong sambit kasabay nang pagngiwi ng aking mukha. "Mas masasaktan kang lalo kapag hindi ka tumigil sa kaiingay mo!" mariin nitong wika sa'kin. Nasapo ko ang pisnging binitiwan nito saka naluluhang sinundan ko ng tingin ang papalabas na bulto ng katawan ni Simon. Mabilis akong lumundag mula sa kama upang tumakbo palapit sa kaniya. Pinukpok ko ito nang pinukpok sa likurang bahagi ng kaniyang katawan. "Salbahe ka! Pauwiin mo na ako!" paanas kong sabi sa kaniya habang patuloy na pinupukpok ang likurang bahagi ng katawan nito. Marahas itong lumingon sa'kin saka mabilis na sinalo ng mga braso nito ang mga kamay kong patuloy na humahampas sa kaniya. "Sa ginagawa mo ay mas lalo mo lamang ako binibigyan ng dahilan na huwag kang pauwiin." Kinaladkad niya ulit ako pabalik sa kama saka malakas na ibinalya roon. "Pakiusap, pauwiin mo na ako..." nagsusumamong sambit ko. "Pauuwiin kita kung kailan ko gusto!" matigas nitong turan sa'kin. "At kung gusto mong makauwi talaga, manahimik ka riyan!" patuloy pang wika ni Simon. Humakbang ito patungo sa may pintuan saka lumabas doon. Narinig ko ang pag-click ng doorknob tanda nang pag-lock niyon. "Simon..." humahagulgol kong tawag sa binata. Pakiramdam ko'y balewala ang anumang pakiusap na sasabihin ko sa kaniya kung kaya't tanging pag-iyak lamang ang siyang maaari kong magawa ng mga sandaling iyon. Isinandal ko ang ulo sa headboard ng kama kasama nang nanghihina kong katawan. "Kailangan kong makaalis sa lugar na 'to. Kailangan kong makatakas dito!" ani ko sa isipan. Nag-ipon ako ng lakas at pinunasan ko ang mga luhang umagos sa aking pisngi gamit ang likod ng palad ko, saka nag-isip ng paraan kung pa'no makakatakas sa lugar na 'yon. Inilinga ko ang mga mata sa paligid at naghanap ng pwedeng maging daan sa pagtakas. Nakita ko naman ang bintana kaya nilapitan ko iyon saka sumilip doon. Nanlumo ako nang makitang may nakaharang na bakal sa labas ng bintana kung kaya naman hindi ako maaaring makaraan doon. "Diyos ko, tulungan mo po akong makatakas dito!" piping dalangin ko. Narinig ko ang papalapit na mga yabag kung kaya bumalik ako sa kama saka umupo roon. Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Simon. Pinagmasdan kong maigi ang binata sa kaniyang mukha. May makakapal itong kilay na parehong magkasalubong lalo na sa tuwing sumisimangot ito. Napansin ko ang mapula niyang mga labi na nagbibigay lalo ng lakas ng s*x appeal sa kaniya. Sex appeal na kung wala lamang kami sa ganitong sitwasyon ay malamang hinangaan ko na. "Sumama ka sa'kin," untag sa'kin nito mula sa aking pagmumuni-muni. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa'kin. "S-saan tayo pupunta?" utal kong tanong sa kaniya. "Sumama ka na lang!" matigas nitong tugon saka hinablot ang kamay ko pahila pababa ng kama. "Simon..." Pilit akong nagpumiglas sa pagkakahawak nito sa braso ko ngunit sadyang malakas ang binata kumpara sa akin. "Tumigil ka na sa pagpupumiglas at wala ka rin mapapala sa ginagawa mong 'yan," ani sa akin ni Simon. "Wala man sa ngayon, pero alam kong matatakasan din kita," bulong ko sa isipan. Nagpatuloy kami sa paghakbang hanggang sa makalabas kami ng building. Nakaramdam ako ng kaunting pag-asa sa isiping nasa labasan na kami. "Huwag mong tatangkaing tumakas kung ayaw mong may mangyari sa'yo na 'di mo nanaisin," banta sa'kin ni Simon. "Pauwiin mo na kasi ako!" malakas kong turan sa kaniya. "Mag-uusap pa tayo!" matigas nitong tugon sa'kin. "Bakit kasi hindi tayo ngayon mag-usap? Kanina ko pa nga naririnig na sinasabi mo 'yan," nang-iinsultong tugon ko sa kaniya. Hinapit niya ako sa baywang saka inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. "Huwag kang mag-alala malapit na tayo sa pag-uusapan natin," nakangising wika nito sa'kin. "Simon..." Pakiramdam ko ay muling nagbalik ang panghihina ng mga tuhod ko sa pagkakalapit ng aming mga mukha. Napansin ko ang magkabilaang dimples niya sa pisngi gawa nang pagngisi nito. "Ang sarili mo ang isipin mo, Carla!" asik ko sa sarili. Inilinga ko ang paningin sa paligid at nakakita ako ng tila liwanag mula sa malayong lugar kung saan tanaw namin mula rito sa aming kinaroroonan. "Kung ang iniisip mo ay makakatakas ka gawa ng liwanag na natatanaw mo, nagkakamali ka. Ilog ang dulong bahagi na 'yan at tiyak na lunod ang ganda mo riyan kapag binalak mong diyan tumakbo," seryosong saad sa'kin ni Simon. Napalunok ako ng laway sa sinabi nito. "Marunong bang magbasa ng isipan ang lalaking 'to at alam niyang 'yon nga ang pinaplano kong gawin?!" "Pauwiin mo na kasi ako!" Gusto ko nang umiyak ulit dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko. "Pauuwiin kita pagkatapos nating mag-usap." Hinaplos ng isang daliri nito ang aking pisngi. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntonghininga kaya napabaling ang tingin ko sa kaniyang mukha. Nagsalubong ang aming mga paningin at napagmasdan ko ang malamlam niyang mga mata na tila may kung anong misteryong nakatago sa likod niyon. "Pauuwiin kita, pangako!" ani nito sa akin. Pakiramdam ko'y nagsasabi naman siya ng totoo sa'kin kung kaya't tumango na lamang ako sa kaniya bilang tugon. Kahit pa nga hindi ako sigurado kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kasama ang mapanganib na lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD