Chapter 3

1303 Words
Naalimpungatan ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng silid. Agad akong bumangon at sumilip sa bintana. “Hay salamat! Makakauwi na rin ako,” humihikab ko pang sabi nang makitang madilim na sa labasan. “At sinong nagsabing makakauwi ka?!” Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Simon. Napalingon ako rito at sinalubong ako nang nanliliit niyang mga mata. Ngumisi ito nang nakakaloko at lumakad palapit sa kinaroroonan ko. Tumakbo ako sa kabilang bahagi ng sofa upang ‘di ito tuluyang makalapit sa’kin. “Pinagod mo kami kahahanap sa’yo nandito ka lang pala,” nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko ang nakabukas na pinto at tinantiya kung kakayanin kong lundagin ito mula rito sa sofa. Nang makita kong mukhang kakayanin naman ay pikit matang lumundag ako upang ‘di tuluyang maabutan ni Simon. Ngunit sa kasamaang palad, isang pagkakamali ang ginawa kong paglundag dahil nahapit ni Simon ang baywang ko. Parang sako lang ng bigas na kinarga ako nito. “P-pauwiin mo na ako…” Pakiusap ko sa kaniya. Pinagpapalo ko ito sa kaniyang likuran ngunit ‘di niya iyon ininda. “Walang uuwi!” bulyaw niya sa’kin. Patuloy akong nagpumiglas ngunit mas hinigpitan niya ang hawak sa aking baywang. Binuksan ni Simon ang isang pinto at nagulat ako nang makitang may kama roon sa loob. Kung anu-anong ‘di magandang pangyayari ang naglaro sa aking isipan. Hinagis niya ako sa kama at tumalbog ako na parang bola lang. Inaayos ko pa lang ang sarili sa pagtayo nang hawakan niya ang kamay ko at itali sa headboard ng kama. “H-huwag!” Pagsusumamo ko sa kaniya. “Iyan ang parusa mo sa pakikialam sa’kin.” Inilapit nito ang mukha niya sa aking mukha at tinitigan ako, na mas pinatagal pa sa may bandang labi ko. “At ito naman ang parusa mo sa pagpasok dito.” Nanlaki ang mga mata ko nang ilapat niya ang kaniyang labi sa aking labi. Pabiling-biling ang mukha ko sa kaniya upang makaiwas sa halik nito subalit maagap din niyang nahawakan ang aking mukha at tuluyang pinaglapat ang aming mga labi. Marahas niya akong hinalikan. “Open your mouth!” mariin niyang utos sa'kin. Pinilit ko pa ring magpumiglas sa kaniya pero pakiramdam ko ay namamaga na rin ang labi ko dahil sa tindi nang pagsipsip nito roon. Nang hindi ito makuntento sa pagsipsip doon ay kinagat niya ang labi ko. Napaawang naman ako sa sakit. Ipinasok nito ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig at gumalugad doon. Nanghihina at nanlalambot ang aking pakiramdam. Dinadaig na rin ako nang nararamdamang init na ‘di ko mawari kung saan iyon nagmumula. Namalayan ko na lamang ang sariling tumutugon sa halik nito. Pumasok sa loob ng aking damit ang kaniyang mga kamay at napasinghap ako nang hawakan niya ang aking dibdib. ‘Di ko napigilang mapaungol dala nang kakaibang sensasyon na hatid ng bawat haplos nito. Lango na ako sa bagong karanasan na nararanasan lalo’t ngayon ko lang din naman naranasan ito sa tanang buhay ko dahil ‘di pa ako kailanman nagkaroon ng kasintahan. Bigla akong natauhan sa nakalalangong pakiramdam nang pumasok iyon sa aking isipan. Nang magkaroon ako nang pagkakataon ay kinagat ko ang labi nito na siyang dahilan nang paghinto niya sa ginagawang kapangahasan. Nanlilisik ang mga matang tinitigan ako nito at pinisil ang magkabilang pisngi ko. “P-pauwiin mo na ko!” humihikbing sambit ko. “Hindi ka uuwi!” bulyaw niya sa’kin. “Hinahanap na ako ng magulang ko.” Ang kaninang hikbi ko lamang ay tuluyan ng nauwi sa pag-iyak. “Parang awa mo na…” muli kong pakiusap sa kaniya. “H’wag kang mag-alala, ‘di ka nila hahanapin dahil ipinagpaalam na kita,” nakangising wika nito. Tumayo ito mula sa kama at itinaas ang cellphone ko bago tuluyang tumalikod palabas ng pintuan. “Simon… P-pauwiin mo na ako!” Humahagulgol kong sigaw sa kaniya ngunit tuluyan nang nagsara ang pintuang nilabasan ni Simon. Tanging pag-iyak lamang ang magagawa ko ng mga sandaling ‘yon dahil nakatali ang aking mga kamay. Nararamdaman kong nanghihina na rin ang katawan ko. “Kung bakit kasi nakialam ka pa, Carla!” Paninisi ko naman sa sarili. Nanghihinang idinikit ko ang ulo sa headboard at ipinikit ang mga mata ko. “Diyos ko, tulungan Mo po ako!” Piping dalangin ko. Napaigtad ako nang biglang bumukas ang pinto. Pagtingin ko roon ay mukha ni Simon ang bumungad. May bitbit itong tray na may lamang bowl ng pagkain. Biglang kumalam ang sikmura ko dala na rin ng gutom. Naalala kong kaninang umaga pa pala ang huling kain ko. Inilapag nito sa side table ang tray na may lamang bowl ng pagkain. Sabaw siguro iyon dahil medyo umuusok-usok pa ang laman ng isang bowl. Natakam ako bigla. “Kumain ka na!” aniya. Lumapit ito sa’kin at kinalagan ng tali ang isang kamay ko. Akala ko ay tatanggalin niya rin ang tali sa kabila kaya umikot ito pero hindi pala. “Hindi mo ba aalisin ang tali sa isang kamay ko?” maang na tanong ko sa kaniya. Umiling ito, “Hindi!” “Hindi ako marunong kumain gamit ang isang kamay lang,” tugon ko naman sa kaniya. “Eh ‘di subukan mong gawin ngayon!” naiiritang saad nito. “Pero ‘di naman ako makakatakas dahil nariyan ka,” pangungumbinsi ko pa sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong kumain gamit ang isang kamay lamang. Ang hirap kaya! Saka gutom na gutom na rin talaga ako. Humawak si Simon sa kaniyang baba na para bang nag-iisip nang malalim. Maya-maya ay lumapit ito sa akin at kinalagan ang tali sa isang kamay ko. Agad akong lumapit sa tray na dala niya at walang kaabog-abog na sumubo ako ng kain. Daig ko pa ang patay gutom lang sa pagkain dahil sunod-sunod na subo ang ginawa ko. “Grabe, ganiyan ka pala katakaw?!” naiiling na sabi ni Simon. Inirapan ko lang ito at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain. Nabilaukan pa ako sa pagsubo ng pagkain at maubo-ubong inabot ang baso saka nilagok ang laman niyon. “Hayan kasi, akala mo naagawan ng pagkain. ‘Di ka ba kumain ng isang linggo?” nang-aasar pa nitong tanong. “Hindi talaga ako nakakain dahil nakulong ako rito,” nakalabi ko namang sagot at pinaikot ang eyeball ko sa mata. “Kung hindi ka nakialam, eh ‘di sana wala ka rito ngayon!” bulyaw niya sa’kin. Nanahimik naman ako dahil may katotohanan ang sinabi nito. Kung hindi sana ako nakialam eh ‘di sana wala nga talaga ako rito ngayon. Kung bakit kasi naawa-awa pa ako sa babaeng estudyante na ‘yon, ako tuloy ngayon ang napahamak. “Masyado kang maawain sa iba pero ‘di mo inisip ang sarili mong pwede ring mapahamak,” nakangising saad nito na parang nababasa ang laman ng isip ko. Kinabahan ako sa sinabi nito, “Ano’ng gagawin mo sa’kin?” “Malalaman mo rin,” nakangising tugon nito. “Pauwiin mo na ako, Simon. Pakiusap…” Pagmamakaawa kong muli sa kaniya. “Mag-uusap pa tayong dalawa! Kaya magpahinga ka lang muna riyan at h‘wag nang magsayang pa ng lakas na tumakas dito dahil ini-lock ko na ang lahat ng pintong pwede mong daanan. Hindi ka rin makakaligtas sa mga alaga kong K9 na nakakalat diyan sa bakod.” Kinuha nito ang tray at lumabas ng pinto. Hinabol ko ‘to at pilit binuksan ang doorknob ngunit ayaw mabuksan niyon. “Simon, pauwiin mo na ako!” Sigaw ko rito ngunit walang Simon na nagbukas ng pinto. Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa sobrang frustration na nadarama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD