Naimulat ko ang mga mata nang marinig ang pag-iyak ng dalawang bata. Tumayo ako mula sa pagkakahiga upang lapitan ang kambal sa kanilang crib. "Sshh... Bakit kayo umiiyak?" malamyos kong kausap sa mga anak. Sinalat ko ang diaper nila upang alamin kung may dumi o puno ba ng ihi iyon, ngunit wala naman akong nasalat. "Gusto niyo na sigurong magdede, no?" Binuhat ko pareho ang kambal saka dinala sila sa kama upang padedehin sa aking dibdib. Ipinahiga ko muna sila sa kama saka pinunasan ang dibdib ko upang mapadede ang isa muna sa kanila. Inuna ko si Simona at ipinosisyon ito sa harap ng aking dibdib. Isinubo ko sa bibig nito ang isang dibdib at agad naman iyong sinupsop ng anak kong babae. Masuyong hinaplos ko naman sa ulo si Carlo kung kaya tumahan ito sa pag-iyak. Kapag nasa bahay k

