"Congratulations, Carla!" masayang bati sa'kin ni Sylvia. "Salamat!" maluha-luha kong tugon saka niyakap ko ito nang mahigpit. "Sa wakas, graduate ka na rin! Ang galing-galing mo talaga with honors ka pa," patuloy nitong sabi. "Hindi magiging posible ito kung 'di dahil sa tulong ninyo." Muli kong hinigpitan ang pagyakap sa dalaga. Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng kung sino kaya't nilingon ko iyon. "Congratulations!" Nakangiting mukha ni Annie ang sumalubong sa'kin habang hawak nito sa kamay ang dalawa kong anak na sina Carlo at Simona. "Annie!" masayang bulalas ko. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin upang yakapin nang mahigpit ang kaibigan kasabay ng tuluyang pagpatak ng mga luha ko mula sa aking mga mata. "Akala ko ba 'di ka makakarating?" pumipiyok ang boses kong sabi

