"I love you, Loves!" Naririnig ko ang malambing na tinig ni Simon kasabay nang masuyong paghaplos sa aking pisngi. "Simon..." usal ko sa sarili dahil alam kong tinig iyon ng binata. Pinilit kong imulat ang namimigat na talukap ng aking mga mata at nag-uunahan sa paglandas ang mga luha sa aking pisngi nang masilayan ko ang nakadukwang na mukha ni Simon. "Loves, nandito na ako. Huwag ka nang umiyak," nakangiting sambit nito. "Simon..." humihikbi kong turan saka pinisil ko ang pisngi nito upang patunayan sa aking sarili na totoo nga ang binatang nasa aking harapan. "Isa ba itong panaginip?" Gusto kong pumikit ngunit natatakot akong baka sa muling pagdilat ko'y isa lamang pala itong magandang panaginip. Naramdaman ko ang init ng kaniyang balat sa aking palad nang lumapat iyon sa kaniya

