"Welcome back to Isla Villaforte!" bulong sa akin ni Simon saka ginawaran ako ng halik sa pisngi. Ilang araw matapos itong makalabas ng ospital ay napagdesisyunan naming dalawa na muling magbalik dito sa Isla Villaforte. Bukod sa sariwa ang mga pagkain at hangin, mas gusto naming dito na lamang manirahan dahil sa tahimik ang buong kapaligiran. Alam kong maraming pangit na pangyayaring naganap sa amin dito mula sa nakaraan, ngunit nandito pa rin ang dahilan kung bakit kami naging buo bilang isang pamilya. "I love you, Loves!" malambing na usal sa akin ni Simon. Binigyan ko ito ng matamis na ngiti saka dinukwang ko upang gawaran ng halik sa kaniyang labi. "I love you, Loves!" madamdaming tugon ko sa kaniya. Nang makarating na kami sa mansion ay sinalubong kami roon ng mga tauhan. N

