Lumipas ang mga araw na tahimik ang pagpasok ko sa Losyl Academy. Kampante akong nakalimutan na ni Simon ang anumang huling usapan namin dahil hindi na ito nagparamdam pang muli sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral kasabay nang pagtupad sa aking mga gawain bilang isang scholarship student ng paaralang iyon.
"Hi!" bati sa akin nina Julia at Lyka.
"Hello!" ganting bati ko rin sa kanila saka nginitian ko ang mga 'to.
"Pwedeng makiupo?" tanong pa sa'kin ni Lyka.
"Sure!" Umusod ako kaunti para bigyan espasyo ang mga 'to.
Isa sa mga hinahangaang estudyante sa klase sina Julia at Lyka, dahil sa angking kagandahan ng mga 'to. Iba kasi ang dating ng ganda nilang dalawa at talagang maraming mga lalaki ang nagkukumahog na mapansin nila.
"Lagi ka bang nag-iisa?" nakangiting tanong sa akin ni Julia.
Tipid na ngumiti lamang ako saka tumango bilang tugon sa tanong nito.
"Mukha naman siyang mabait, Julia." Sinipat ako ng tingin ni Lyka mula ulo pababa.
"Kailangan niya lang magpaganda pa ng kaunti," nakangiting patuloy pa nito.
"Yes, indeed!" tugon naman ni Julia.
Maang na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil naguguluhan ako sa itinatakbo ng kanilang usapan.
"Binigla yata natin si Carla, Lyka," nakangiting turan ni Julia.
"K-kilala niyo ako?" utal kong tanong sa kanila.
"But of course!" magkapanabay naman na bulalas ng dalawang dalaga.
"Sino ba naman ang 'di makakakilala sa nag-iisang babaeng nagpa-..." Naputol ang anumang sasabihin ni Lyka nang suwayin ito ni Julia.
"Enough, Lyka! Hayaan mo ang magaling kong pinsan ang gumawa nang paraan na magsabi sa kaniya niyan," malamig pang saad ng dalaga.
"Oh... Sorry! Nadala lang ako ng sobrang tuwa. Ang bait niya kasi and she's really like an angel." Ngumiti ito ng ubod ng tamis sa akin saka nag-peace sign ng kaniyang mga daliri si Lyka.
"But, always remember that we're here to protect her from Simon's foolishness," matigas naman na hayag ni Julia.
Lalo naman akong naguluhan sa sinasabi nilang dalawa kung kaya napapatanga ako sa kanila.
"Anyway, let's start to protect her," kibit balikat na tugon naman ni Lyka.
"Protect her? Sino? Ako ba 'yon?" lakas loob kong tanong sa kanilang dalawa.
"Yes!"
"No!"
Magkapanabay na sagot ng dalawang babae sa akin na lalong nagpakunot ng noo ko sa kanilang dalawa. Kumakamot sa ulong ngumiti ako sa kanilang dalawa saka maagap na nagpaalam na aalis na.
"Nice to meet you, guys!" Yumukod ako sa kanila bilang pamamaalam.
"Nice to meet you, Carla! This is not the end of our meet-ups. Have a nice day ahead!" malambing na turan sa akin ni Julia.
"Nice to meet you, Carla!" Kumaway-kaway naman sa'kin si Lyka sabay palipad ng flying kiss.
Alanganing ngiti ang iginanti ko sa kanila at 'di ko alam kung iilag o aalis ba ako mula sa aking kinatatayuan para sa halik na iyon.
"You scare her!" Napapitlag ako nang marinig ang baritonong boses na pamilyar sa akin kahit ilang araw ko ng 'di ito nakikita.
"Really?" nakataas ang kilay na tugon naman ni Lyka.
"Why, I have this feeling na mas natakot yata siya sa'yo?" dagdag pang sabi ng dalaga.
Inakbayan ako ng taong nagsalita kung kaya nilingon ko ang may-ari ng baritonong boses na 'yon.
"Simon..." pausal kong sambit sa pangalan ng binata.
"Did you miss me?" Kumindat naman ito sa akin.
"See..." Tumaas ang sulok ng labi ni Lyka. "She's definitely scare to you rather than me."
"Enough!" suway sa kanila ni Julia.
"Why are you here?" kapagkuwa'y tanong ni Julia kay Simon.
"This is my PROPERTY! Don't you remember that?!" matigas na sagot naman ng binata.
"We know that!" iiling-iling naman na sagot ni Julia. "You're still the same, Simon."
"So, why you two are here?" balik tanong naman ni Simon sa dalawang dalaga.
Nagkatinginan pa muna ang dalawang dalaga saka tumingin din sa aking gawi ang mga ito bago muling itinuon nila kay Simon ang kanilang mga mata.
"You'll forget Simon, that we're just also a students here," pahayag naman ni Julia.
"I already knew that! What was I ask is why you're with her?" Naramdaman ko ang paghigpit ng akbay ng kamay ni Simon sa aking balikat.
"She's our classmate and we want to be her friends. Why? Masama na ba?" malditang turan naman ni Lyka.
"Kapag nalaman kong may kalokohan kayong pinaplanong gawin sa kaniya, malilintikan kayong dalawa sa akin!" nagbabantang saad ng binata sa dalawang dalaga.
"I'm scared!" pabulong na bigkas ni Lyka.
"Understand?!" bulyaw ni Simon na nagpapitlag sa pagkakatayo ng dalawang dalaga.
Pati tuloy ako ay napapitlag sa gulat dala nang pagsigaw ni Simon.
"Diyos ko, daig ko pa ang nanonood ng giyera sa pagitan ng magkakapamilya. Pero teka lang, magkaanu-ano nga ba talaga sila at parang akala mo hindi sila magkapamilya?" bulong kong tanong sa isipan.
"Relax!" Napatingala ako kay Simon nang pisilin nito ang balikat ko.
"Isa pa 'to, pa'no naman ako makakapag-relax kung ganito kahigpit naman ang pagkakaakbay sa'kin nito," ani ko pa sa isipan.
"You'll better to relax or I will kiss you in front of them." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi nito.
"Sandali!" impit kong tili nang akmang yuyuko na ito palapit sa aking mukha.
Inhale! Exhale! Paghugot ko ng hangin ay mabilis kong tinabig ang braso nitong nakaakbay sa balikat ko.
"Kanina ka pa nakaakbay sa akin, baka akala mo siguro hindi ko napapansin," nakapamaywang kong pagtataray sa kaniya.
"So?!" Tumaas ang sulok ng labi nito na tila naaaliw sa ginagawa kong pamemeywang.
Natigilan naman ako nang makitang tila wala man lang talab sa kaniya ang anumang ginagawa kong pagtataray.
"Go, Carla! You can do it!" dinig kong susog sa'kin ni Lyka na tila isa ko lamang tagahanga na ichinicheer ako.
"You, Brat!" tiim bagang na ani ni Simon.
Singbilis ng kidlat na lumapit si Simon sa dalawang dalaga saka mahigpit na pinisil nito sa braso si Lyka.
"Aray!" nakangiwing reklamo ni Lyka.
"I told you to go but you don't obey," Nakita ko ang muling pagngiwi ng mukha ni Lyka tanda na nasasaktan na ngang talaga ito.
"Simon, enough! Baka may kung anong mangyaring masama kay Lyka," awat naman sa binata ni Julia.
Kinabahan ako sa sinabi ni Julia at saka muling bumaling ang mga mata ko kay Lyka na nagsisimula nang mangitim ang mga labi. Mabilis akong tumakbo sa gawi ni Simon saka niyakap ko ito nang mahigpit.
"Pakiusap, ako na lang ang saktan mo huwag na si Lyka!" pakiusap ko sa kaniya.
Naramdaman kong natigilan naman ang binata.
"Save yourself, Carla!" nakangiwing sambit sa'kin ni Lyka na iniling-ilingan ko lang bilang tugon dito.
"Pakiusap, Simon! Ako na lang ang pahirapan mo." Tuluyan nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata saka lumuhod ako sa kaniyang harapan.
"Simon... Please!" muling pagsusumamo ko.
"Simon!" sigaw naman ni Julia sa binata.
"Maging aral sana sa inyong dalawa ito!" malamig na sabi ni Simon saka binitiwan nito ang braso ni Lyka.
Hirap na hirap na umubo si Lyka na agad namang dinaluhan ni Julia.
Kinaladkad naman ako palayo ni Simon sa dalawang dalaga.