"Huwag kang makipagkaibigan sa dalawang babaeng 'yon," mariing sabi sa akin ni Simon.
"Mga kaklase ko sila, kaya may karapatan akong kausapin sila," matapang kong sagot sa kaniya.
Kasalukuyan na kaming nasa tapat ng pintuan ng lumang building kung saan naroon ang silid na pinagkulungan sa akin nito.
Pinisil ng dalawang kamay nito ang magkabilang pisngi ko.
"Sundin mo ang sinasabi ko sa'yo kung ayaw mong ikaw ang lumasap ng galit ko."
"Bakit ba ang hilig mong manakit?" pumiyok ang tinig ko nang ilapit nito ng husto ang mukha niya sa akin.
"Sundin mo na lang ang sinabi ko. Maliwanag?!" Tumango na lamang ako sa kaniya bilang tugon.
Wala rin namang silbi ang makipagtalo pa sa kaniya dahil hindi rin naman ako mananalo.
"Good!" Masuyong hinaplos ng daliri nito ang aking pisngi saka sunod na dinampian naman niyon ang aking labi.
"I miss you!" malambing pa nitong wika.
Kung kanina ay galit na galit ang anyo nito ngayon naman ay tila isang maamong tupa na ito sa aking harapan.
"Pumasok na tayo sa loob at mainit." Umusog ako kaunti palayo sa kaniya upang makaiwas sa gagawin sanang paghalik nito sa akin.
Inilahad ko ang palad sa kaniyang harapan upang hingiin ang susi ng pinto.
Matiim na tinitigan niya muna ako sa mukha saka padaskol na binunot nito ang key holder mula sa kaniyang pantalon. Akala ko'y iaabot nito sa akin ang susi ngunit hindi, dahil siya na ang kusang nagbukas ng pintuan saka ako pinaunang makapasok sa loob.
Napaigtad ako sa pagkakatayo ng malakas na bumagsak pasara ang pinto.
"Simon!" Nilingon ko ang binatang nakatitig pala sa'kin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.
"Kailangan ba talagang malakas na ibalya pabagsak ang pinto?" inis ko pang wika sa kaniya.
Mabilis na lumapit ito sa kinatatayuan ko saka mahigpit na hinapit niya ako sa baywang.
"I miss you!" Dahan-dahang bumaba ang mukha nito palapit sa aking mukha.
"Simon..." Naputol ang anumang sasabihin ko nang lumapat ang labi nito sa aking labi.
Masuyong halik ang iginawad sa akin ni Simon na kaiba sa mga naunang halik nito na pawang mga mapagparusa at marahas. Punom-puno nang pag-iingat at walang anumang dahas itong ginawa.
Malalakas na katok mula sa pinto ang nagpabalik sa lumilipad kong kamalayan.
"M-may tao..." Pilit kong itinulak palayo si Simon ngunit 'di ako binitiwan nito.
"Simon!" Malakas na sigaw ng kung sinuman mula sa labas ng pinto.
Humakbang ako upang pagbuksan sana ang taong nasa likuran ng pinto ngunit mahigpit na pinigilan ni Simon ang aking palad.
"Simon..." Sinalubong ko ang tingin ng kaniyang mga mata.
"Simon!" muling sigaw ng kung sinuman mula sa may labasan. "Open this door!"
Ramdam ko na ang galit sa tinig ng taong nasa likod ng pinto.
"B-buksan ko lang ang pinto," utal kong paalam sa kaniya.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Simon saka muling mahigpit na ginagap ang aking kamay. Humakbang ito patungo sa may pinto at dahil nga hawak nito ang kamay ko, kasunod niya akong naglalakad din patungo roon.
"Pwede naman kasing ako na lang ang magbukas ng pinto. Gusto pa talaga dalawa kaming magbubukas," bubulong-bulong kong anas sa binata.
"Shut up!" bulyaw sa akin nito.
"Nananantsing ka na naman!" Hinila ko mula sa kamay niya ang kamay kong hawak nito.
Ngunit nabuksan na ni Simon lahat ang pinto ay 'di pa rin talaga niya binitiwan ang kamay ko. Ang saya!
"What took you so long?" Dumadagundong ang boses ng lalaking pinagbuksan ni Simon ng pintuan.
"What brought you here, Dad?" balik tanong naman ni Simon sa lalaki.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Para lang silang kambal kung pagmamasdan dahil magkamukhang-magkamukha sila.
Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ng matandang lalaki.
"And, who is she?" muling tanong naman nito kay Simon.
"She's not your business here, Dad." Tumalikod si Simon sa ama saka hinila rin ako nito patungo sa kung saan man ito pupunta.
"I came here because of Lyka." Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ng dalaga.
Napahinto rin sa paglalakad si Simon at nilingon ako nito.
"What did you do to her?" Nahimigan ko ang galit sa tinig ng ama ni Simon.
"She raised my temper," 'di natitinag na sagot ng binata sa kaniyang ama.
"She's your little sister and you don't need to hurt her," litanya pa ulit ng ama ni Simon.
Napasinghap naman ako sa narinig na sinabi ng ama ni Simon.
"Then tell her, layuan nila si Carla." Nasamid naman ako ng sariling laway nang tumingin sa gawi ko ang ama ni Simon.
Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o yuyukod sa harapan ni Mr. Villaforte.
"What's your name, Iha?" mahinahong tanong sa akin ni Mr. Villaforte.
"C-Carla Medina po!" kandautal kong sagot sa Ginoo.
"So, you must be Carla?" Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon dito.
"Lyka, told me that your good to her. Is she your classmate in this school?" muling tanong sa'kin ni Mr. Villaforte.
"Opo!" nakayukong tugon ko naman dahil nahihiya ako kay Mr. Villaforte.
Pakiwari ko tuloy ako ang dahilan nang pagkakaroon ng gulo sa kanilang pamilya.
"Nawa'y pagpasensiyahan mo ang mga anak ko sa pagiging isip bata nila. Lalo na itong si Simon." Napaangat ako ng mukha upang tingnan si Mr. Villaforte.
"Enough, Dad!" suwata ni Simon sa kaniyang ama.
Naiiling na lumapit sa amin si Mr. Villaforte saka huminto ito sa aking harapan.
"Habaan mo rin sana ang pasensiya mo sa katigasan ng ulo ng anak kong si Simon." Hindi ko naiwasang mapahagikhik nang makita ang pagbusangot ng mukha ni Simon.
Halatang napikon ito dahil mabilis itong lumapit sa gawi ko saka hinarap ang kaniyang ama.
"Are you done here, Dad? Can you leave now?" magkasunod pang sabi ni Simon sa kaniyang ama na animo'y 'di niya ama ang kaharap.
"Kung anak lang kita nadagukan na kita," bulong ko sa isipan patungkol kay Simon.
"Don't act like a kid, Son. Carla will be turn off to you," naiiling na natatawang anas naman ni Mr. Villaforte.
"Enough for your jokes, Dad! And besides, she's not my type," pagalit na tugon naman ni Simon.
"Pero hindi mo mabitiwan ang mga kamay niya?!" nakataas kilay na ani naman ni Mr. Villaforte.
Pakiramdam ko'y namula ang buong pisngi ko sa sinabi ni Mr. Villaforte. Parang gusto ko na lang maging bula ng mga sandaling iyon na kusa na lang mawawala sa kanilang mga harapan.
Dama ko ang malamig na sagutan nilang mag-ama mula pa kanina at hindi ko pa alam kung pa'no iyon lulubayan.
"Leave us, Dad!" nakaingos na wika ni Simon sa kaniyang ama.
Iiling-iling na tumalikod sa amin si Mr. Villaforte, ngunit bago ito tuluyang makalabas ng pintuan ay may sinabi pa muna ito.
"Be responsible, Son!" Saka tuluyang lumabas at isinara ni Mr. Villaforte ang pintuan.