Chapter 60

1128 Words

Sa sasakyan pa lang ay nakatulog na sa sobrang pagod sa paglalaro ang mga bata. Kung kaya nang makarating kami ng mansion ay kapwa bagsak na ang magkapatid sa aking hita. Dumukwang sa amin si Simon sa may back seat ng sasakyan saka kinarga nito sina Simona at Carlo. "Magpahinga ka na rin aasikasuhin ko lang muna sila sa kanilang kwarto," wika sa akin nito saka kinintilan ako ng halik sa noo. "Sasama na ako, tutulungan na kitang asikasuhin sila." Bumaba na rin ako mula sa loob ng sasakyan saka sumunod sa kanilang mag-ama. Pagdating namin sa kwarto ng mga bata ay agad akong kumuha ng damit pantulog ng mga 'to. Kumuha rin ako ng maligamgam na tubig upang ipunas iyon sa katawan ng mga bata. Matapos namin silang mapunasan at mabihisan ay hinalikan pa muna namin ang mga 'to sa kanilang noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD