Dinala kami ni Simon sa malawak na bukirin na pag-aari pa rin ng kanilang pamilya. Inaya niya akong mamasyal doon upang makalabas naman daw ako ng mansion. Mula nang masinsinan kaming nagkausap na dalawa, ibang Simon na ang nasaksihan ko sa bawat oras. Naging maalalahanin ito at hindi na rin nagsusungit pa sa akin. Parati rin akong pinupuntahan nito sa kwarto sa tuwing naiisipan kong magkulong doon. Hindi niya rin ako pinapatulan sa tuwing sinusungitan ko siya. Mahaba ang pasensiya nito kumpara noon. Masayang tumakbo sina Carlo at Simona upang maglaro. Naglatag naman ng banig si Simon sa damuhan upang makaupo kami roon. Inilapag din nito ang basket na dala-dala namin. "Gusto mo na bang kumain?" tanong sa'kin ni Simon. Umiling lang ako bilang tugon sa kaniya. "Busog pa ako." Hinawak

