May overnight camping na gaganapin sa Losyl Academy at lahat ng mga scholar student ay required sumama kung kaya present din ako. "Carla, pwede bang tayong dalawa na lang magsama sa tent?" tanong sa akin ni Mae nang lumapit ito. "Oo naman!" nakangiting tugon ko sa kaibigan. "Hindi pwede!" Sabay kaming napalingon ni Mae sa nagsalita. "At bakit naman?!" mataray kong tanong kay Simon. "Tayong dalawa ang magsasama sa tent." Napanganga naman kaming dalawa ni Mae sa sinabi ni Simon. "Hindi pwede 'yang gusto mo!" mariing tanggi ko sa gustong mangyari nito. "At bakit?" nakataas kilay na tanong ni Simon. "Lalaki ka at babae ako!" mabilis ko namang sagot sa binata. "So?!" Magkasalubong ang kilay na tanong pa sa'kin ng binata. "Kaya hindi pwede!" matigas kong wika. "Tingnan natin!" turan n

