Ilang linggo na ang nakalilipas ngunit ganoon pa rin ang sitwasyon ko rito sa Isla Villaforte. Nananatiling bilanggo at sunod-sunuran sa lahat ng kagustuhan ni Simon. "Handa na po ang hapag-kainan, Ma'am. Kakain na raw po kayo,” tawag sa akin ng aming kasambahay na siyang sumira sa pagmumuni-muni ko. Hindi ako pinagagawa ng anumang gawaing bahay ni Simon, bagkus ay kumuha ito ng stay out na kasambahay. Ito ang inaatasan ng binata na gagawa ng mga gawaing bahay kasama na roon ang pagluluto ng aming kakainin. Sadyang bilanggo lang talaga ang role ko sa mansion na ito at kasama na roon ang pagiging parausan ni Simon sa tuwing gabi. Tango naman ang naging tugon ko sa aming kasambahay at napansin kong naiilang nitong pagngiti sa akin. Alam kong hindi ito bulag at bingi para hindi malaman a

