Tumigil ito sa kaniyang ginagawa sa aking katawan at madilim ang mukhang tumitig sa mukha ko si Simon. Hindi ko kayang tumugon at mas lalong hindi ko kayang i-enjoy ang mainit na sandaling gabi-gabi nitong ipinalalasap sa akin ng sapilitan. Galit ako! Nagagalit ako kay Simon pati na rin sa sarili ko! Pero ano'ng magagawa ko gayong wala naman akong lakas upang labanan ito. Napasabunot ito sa kaniyang buhok at narinig ko ang paulit-ulit nitong pagmumura pero hindi ko na iyon binigyang pansin pa. Sa sobrang inis siguro ni Simon, muli na naman niyang ipinaramdam sa akin ang gabi-gabing parusa na iginagawad sa'kin nito. Nawala na naman ito sa kaniyang sariling katinuan at ginawa nito ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Ibinuhos ni Simon ang buong bigat ng katawan nito sa pagpatong

