Simon Villaforte Mabilis kong binuhat ang nawalan ng malay na katawan ng dalaga saka dinala ko iyon sa may kama upang maayos na ipahiga roon. Nabigla ako sa kaniyang ginawa at 'di ko inasahan na kayang kitlin ni Carla ang sarili niyang buhay. "D*mn!" paulit-ulit kong mura sa sarili. Sinuri ko ang pulsuhan nito kung nasugatan ba iyon at saka kinapa ko na rin ang pintig ng kaniyang pulso. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makapa kong maayos naman ang pintig ng pulso nito at sadyang hinimatay lamang ito. Kumuha ako ng damit ni Carla sa closet saka ipinasuot ko iyon sa walang malay na dalaga. Matapos bihisan ay kinumutan ko ito saka bumalik ako sa may tokador upang damputin ang blade sa sahig na ipanlalaslas sana ni Carla. "Aaagghhh!" Malakas kong hiyaw sabay suntok ng malakas sa p

