Nagising ako sa malakas na sigaw ni Carla kasabay nang paghampas sa akin nito. "Lumayo ka! Demonyo ka! Layuan mo ako!" histerikal na hiyaw ng dalaga. "Ssshhh..." Niyakap ko ito sa kaniyang katawan ngunit patuloy lamang itong nagpumiglas. "Bitiwan mo ako!" galit nitong bigkas. "Carla, relax! Hindi makabubuti sa inyo ni Baby 'yan. Ikalma mo lang ang sarili mo." Naramdaman ko ang pagkatigagal nito kung kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mas higpitan ang pagyakap sa kaniya. "B-baby?" utal niyang tanong sa akin. "B-buntis ako?" "Yes!" Saka tumango ako sa kaniya bilang tugon. Hindi ko napaghandaan ang buong pwersang lakas nito ng bigla na lamang niya akong itinulak ng malakas palayo sa kaniyang katawan. "H*yop ka! Masaya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin? Hanggang kailan mo ako guston

