Carla Medina Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Simon, kahit pa nga may kung anong ingay na kumalabog mula sa loob ng silid. Dire-diretso akong naglakad patungo sa may silid kung saan naroon ang aking mga anak habang pinupunasan ko ang mga luhang patuloy na namamalibis sa aking pisngi gamit ang likod ng aking mga palad. Nagngingitngit ako sa galit dahil sa ginawa sa akin ni Simon. Isipin pa lang na muntik ko nang kitlin ang sarili kong buhay ay hindi ko na kayang patawarin pa ang sarili higit lalo si Simon na siyang dahilan ng lahat nang paghihirap ko. Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang seradura ng pintuan upang hindi makalikha ng anumang ingay na pwedeng maging dahilan nang pagkagising ng aking dalawang anak. Lumapit ako sa kanilang higaan at saka yumukod upang halikan sina Ca

