Chapter 56

1156 Words

Sa paglipas ng mga araw, pinatunayan sa akin ni Simon ang pagbabagong kaniyang ipinangako. Malaya na akong nakakapaglakad mag-isa sa buong kabahayan at hindi na rin maituturing pa na isang bilanggong madalas na nakakulong sa loob ng kwarto. Hinahayaan niya na akong gawin ang ibang mga gawaing bahay kahit pa nga pinipigilan naman ako ni Manang na gawin iyon. Naglalakad-lakad kami ng mga bata sa paligid ng mansion tuwing umaga at kung minsan ay nagtutungo rin kami sa may bandang talon o di naman kaya'y sa may tabing dagat. Malamig ang pakikitungo ko kay Simon sapagkat hindi pa ganoon kadaling kalimutan ang mga pinaggagagawa sa akin nito. Hindi ako nakikisagot sa kanila ng mga bata sa tuwing nag-uusap sila. Tama na sa akin iyong nginingitian ko lamang siya sa tuwing kaharap ang aming m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD