Pagdilat ko ng mga mata ay puting liwanag ang unang sumalubong agad sa akin. Nasilaw pa ako niyon kung kaya naman muli akong pumikit. Nang muli kong idilat ang mga mata, nahagip ng paningin ko ang nakayukyok na ulo ni Simon sa aking tabi. Pinakiramdaman ko ang sarili hanggang sa dumako ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking tiyan. "Ang baby ko!" sigaw ko sabay bangon mula sa pagkakahiga sa kama. "Carla..." tawag sa akin ni Simon saka mahigpit na niyakap nito. "Simon..." humahagulgol kong sambit. "Anong nangyari sa baby natin?" Narinig ko ang sunod-sunod na paghugot nito ng buntonghininga saka marahang hinagod niya ang aking likuran. "Simon!" galit kong sambit saka itinulak ko ito palayo na 'di naman natinag sa aking ginawa. "I'm sorry..." tanging salitang nanulas mula sa kaniyang bib

