Masayang pinagmasdan ko ang paghahabulan nila Simon at ng dalawang bata sa gitna ng kabukiran. Muli kaming nagbalik dito upang mag-picnic ulit. Natutuwang pumupunta rito ang mga bata dahil bago kami umuwi sa mansion ay madalas na may inuuwi na rin kaming mga bagong pitas na prutas mula sa mga punongkahoy na inaakyat ni Simon. Nagugulat na nga lang ako sa mga bagong katangian nito na aking natutuklasan. Minsan nama'y napapailing na lang din ako dahil hindi ko naisip na may ganoon pala siyang katangian. "Marunong ka palang umakyat ng puno?" Minsa'y naitanong ko sa kaniya nang umakyat ito sa isang puno upang pumitas ng mangga. "Oo naman! Ako pa ba?" mayabang nitong tugon sa akin. "Yabang!" inis kong sabi saka tinalikuran ko ito. Hinapit ako nito sa baywang upang pigilin sa aking pagl

