Chapter 26

1026 Words

Carla Medina Humahangos na lumapit sa'kin si Annie. "Carla, may naghahanap sa'yong lalaki sa may information desk," bulong sa'kin ni Annie. Bigla akong kinabahan na 'di ko mawari. Pakiramdam ko'y kilala ko ang lalaking sinasabi nito. "A-anong sinabi mo?" utal kong tanong kay Annie. "Binulungan ko ang receptionist na sabihing wala ka rito." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito. Bumalik ako ng Manila dahil may pinapaayos sa akin si Steven. Nagpatulong kasi ang binata sa gagawin nitong surprise set up para kay Jana. Nang malaman ko ang plano ni Steven para sa pinapangarap niyang babae, 'di ko maiwasang makaramdam ng inggit. Nahiling ko pa nga na sana'y ganoon din sa'kin si Simon. Ipinilig ko ang ulo ng muling sumagi sa isip si Simon. "Pero..." Kunot noong tumingin ako kay Annie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD