Ilang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin namin matagpuan si Carla. Ibinato ko ang hawak na kopita ng alak at tumama iyon sa may pader. "Son..." Hindi ko nilingon ang malamyos na tawag sa akin ni Mommy. "Umiinom ka na naman! Be responsible, Simon!" galit na wika naman ni Daddy na kasunod lamang pumasok ni Mommy mula sa may pintuan. "Responsible?" nang-uuyam kong tanong sa ama. "Why should I?" Mabilis na lumapit sa akin si Daddy saka kinuwelyuhan ako nito. "Hon!" suway naman ni Mommy kay Daddy. "Gusto mong makita ang mag-ina mo, pero hindi mo inaayos ang iyong sarili. Sa palagay mo ba, matutuwang makita ka ni Carla sa miserable mong buhay?" galit na saad sa'kin ni Daddy. "My life is nothing without her, Dad!" mapait kong tugon sa ama. "Fix yourself, Simon. Patunayan mo ka

