"Simon!" malakas kong sigaw saka napabalikwas ako ng bangon. Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita ko ang pamilyar na silid na aking kinaroroonan. "Mabuti naman at gising ka na!" Napaigtad ako nang pumasok mula sa nakabukas na pintuan si Simon. May dala itong tray na may lamang mangkok na mukhang mainit na sabaw ang laman dahil umuusok-usok pa iyon. "N-nasaan si Erick?" utal kong tanong sa binata nang maalala si Erick. Humakbang ito palapit sa akin saka inilapag ang tray sa side table. "Nasaktan ka na nga lahat, puro pa rin Erick ang bukambibig mo!" nanggigigil nitong wika. "A-anong ginawa mo sa kaniya?" patuloy kong tanong kay Simon. "Pasalamat siya at nawalan ka lang ng malay kung kaya't buhay pa ito," nanggigigil pa rin nitong wika. "Uuwi na ako!" paalam ko sa binata.

