"Kumusta na ang pag-aaral mo sa Losyl Academy, Anak?" tanong sa akin ni Papa habang nag-aalmusal kami. "Ayos naman po, Pa!" nakangiting tugon ko sa ama. "Mukhang pinababayaan mo na ang sarili mo sa sobrang pag-aaral." Tinitigan pa ako nito. "Hindi po, Pa!" tugon kong muli sa ama. "Parang nangangayayat ka na, Carla. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo. Hindi porke't maganda ang eskwelahan na pinapasukan mo at scholar ka roon ay pababayaan mo na rin ang iyong sarili. Mahalaga pa rin ang kalusugan mo kaysa pag-aaral, Anak." Pangaral pa sa akin ni Papa. "Opo, Pa!" nakangiting tugon ko sa ama saka lumapit ako rito upang yakapin ito. "Tapos na ba kayong dalawa mag-almusal?" tanong sa amin ni Mama nang pumasok ito mula sa may pintuan. "Hindi pa!" sagot naman ni Papa sa aking ina. "Nagm

