Paulit-ulit na umukilkil sa isipan ko ang sinabi ng doktor. "Positive! You're nine weeks pregnant," saad sa akin ng doktor saka mahinang pinisil nito ang kamay ko. Nakatunghay nilang mga mukha ni Nurse Lily ang natunghayan ko nang imulat ang aking mga mata. "B-buntis ako?!" paulit-ulit kong binibigkas sa sarili ang mga katagang iyon saka tuluyang nagpaalam na ako sa kanilang lilisanin ang lugar na 'yon. Salit-salitang pumasok sa isipan ko ang mukha ng aking mga magulang pati na rin ang mukha ni Simon. "Diyos ko! Ano po ang gagawin ko?" piping dalangin ko. Wala sa sariling naglakad ako papasok ng Losyl Academy at nahagip ng mga mata ko si Simon kasama ang mga kagrupo nito sa dulong bahagi ng quadrangle. Kumaway sa akin ang binata at tila gusto nitong lumapit ako sa kinaroroonan niy

