Ma, Pa, Sana po ay mapatawad ninyo ako sa ginawa kong pag-alis. Hindi ko po alam kung pa'no kayo haharapin sa napakalaking kasalanang ginawa ko. Tanging ang alam ko lang po ay binigo ko kayo! Hayaan niyo po munang pagbayaran ko ang mga kasalanang ginawa ko sa inyo. Pangako ko po sa inyo na iingatan ko ang sarili, para sa pagdating ng takdang panahon na humarap akong muli sa inyo ay maipagmamalaki niyo na po ako. Sana'y mapatawad niyo pa rin po ako pagdating ng araw na ako'y magbalik. Mag-iingat po sana kayo parati, Ma, Pa! Maraming maraming salamat po sa lahat. Mahal na mahal na mahal ko po kayo. Paalam! Carla Dahan-dahan kong inilapag ang liham sa ibabaw ng side table at dinaganan ko iyon ng cellphone ni Papa. Lumuluhang pinagmasdan ko ang natutulog na mga magulang. "Sana po ay

