Ilang ulit muna akong lumunok ng laway bago sinagot ang sinabi ng anak kong si Carlo. "Pumasok na muna kayong dalawa sa loob ng bahay, Carlo, Simona. Mag-uusap lang kami ng Papa ninyo," malumanay kong utos sa mga bata. Masuyong hinaplos ko pa muna ang kanilang mga buhok saka kinintalan ko ng halik ang kanilang mga pisngi. Tumango-tango sa akin ang mga 'to saka magkahawak kamay silang tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Umalis ka na, Simon!" mariin kong wika sa binata saka muling hinarap ito. "Hindi ako aalis Carla hangga't 'di tayo nagkaka-usap na dalawa," tugon naman nito. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Simon." Tinalikuran ko na ito ngunit mabilis din akong naharang nito sa aking daraanan. "May anak tayo at iyon ang kailangan nating pag-usapan, Carla!" "Nakaya ko silang pal

