"Sorry, Pa..." Lumapit ako sa amang nakaupo sa may upuan saka lumuhod sa harapan nito. "Bakit, Carla? Saan ba kami nagkulang sa'yo ng Mama mo?" puno ng hinanakit nitong tanong sa akin. "Hindi, Pa!" Umiiling-iling kong sagot. "Kailanman ay 'di po kayo nagkulang sa akin." "Ako po ang nagkamali sa inyo ni Mama," humihikbi ko pang turan sa ama. "Umamin ka nga sa akin Carla, mahal mo ba ang lalaking iyon?" natigilan ako sa tanong na iyon ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa aking ama kaya iniyuko ko ang ulo kasabay nang papalakas kong hikbi. Narinig ko ang sunod-sunod na paghugot ng buntonghininga ni Papa saka masuyong hinawakan niya ako sa balikat. "Anak, ama mo ako at alam ko kung kailan ka nagsasabi sa'kin ng totoo. Hindi mo maikakailang mahal mo pa rin ang g*gong lalaki n

