Chapter 39

1222 Words

"Ipangako niyo pong susunod kayo sa amin ng mga bata," naluluhang saad ko kay Papa habang nakayakap dito. "Susunod kami," tugon naman sa akin nito. Muli kong niyakap nang mahigpit ang ama saka kumalas dito nang dahan-dahan. "Tumawag ka agad sa amin ng Papa mo pagkarating ninyo ng Cebu," sabat naman ni Mama. "Opo, Ma!" Naluluhang yumakap ako nang mahigpit sa ina saka humalik sa pisngi nito. Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap kay Mama nang bumusina ang taxi na inarkila namin na siyang maghahatid sa amin sa may airport. "Carlo! Simona!" tawag ko sa mga anak na agad naman lumapit sa akin. "Humalik at yumakap na kayo kina Mama at Papa," utos ko pa kina Simona at Carlo. Tumakbo naman palapit kina Mama at Papa ang dalawang bata upang yumakap saka humalik ang mga 'to sa pisngi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD