Chapter 49

1061 Words

Tulalang pinagmamasdan ko sina Simona, Carlo at Simon habang naglalaro sa may hardin. Ang saya nilang tingnan habang ako naman ay nagdurusa. Hindi ko maiparamdam sa mga bata ang tuwa at galak sa aking boses sapagkat ang hirap. Kahit pilitin ko ang sariling magpanggap na ayos lang ako ay hindi ko magawa dahil ang hirap gawin. “Mama, halika sali ka po sa laro namin nila Papa,” tawag sa akin ni Simona na tuwang-tuwa habang kinikiliti ng kaniyang ama. Tiningnan ko lamang silang tatlo at mahinahong tumugon. “Masama ang pakiramdam ni Mama, masakit pa ang ulo. Kayo na lang muna, Baby,” pagdadahilan ko sa anak saka nginitian ko ito. “Halikan niyo na lang si Mama para mawala ang sakit ng ulo niya,” malumanay na utos naman ni Simon sa mga bata. “Sige po, Papa,” nagagalak na sagot ni Carlo a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD