May ilang oras na rin akong tulalang nakatitig sa natutulog na si Simon at 'di ko mapigilan ang sariling lumuha nang lumuha. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Simon na kabaligtaran naman ng kaniyang anyo sa tuwing ito'y gising at galit na titingin sa akin. Tila mas lumala ang pagiging malupit at malademonyong ugali nito ngayon kaysa noon. Muli na naman akong napahikbi nang maalala ang ginawa sa akin ni Simon. Awang-awa ako sa sarili lalo na sa nakikitang kalagayan ko. Ni hindi ko magawang punasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi gawa nang nakaposas ang dalawa kong kamay. Ni ultimo pagsipa ay 'di ko magawa dahil sa nakatali rin ang aking mga paa. Pinilit akong gamitin nito kahit labag naman iyon sa aking kalooban. 'Di maalis-alis sa isipan ko ang ginawang pambabàboy sa'kin

