"Simon…" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa ibabaw ng katawan ko ang binata. Tinulak ko siya sa kaniyang dibdib at saka bumangon mula sa pagkakahiga. Bababa na sana ako sa kama ngunit natigilan ako ng 'di ko maigalaw ang mga paa. Tiningnan ko ang mga paa at nakita ko ang taling mahigpit na nakalukob doon. Naalarma ako sa kaniyang binabalak at bigla akong kinilabutan nang magtama ang aming mga mata. Punom-puno iyon nang pagnanasa at ramdam ko ang nagliliyab nitong init mula sa kaniyang katawan. "Ano'ng ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong nang pigilin nito ang magkabila kong pulsuhan. Hindi na nito kailangan pang magsalita para lang isatinig kung ano ang kaniyang gagawin dahil hindi rin naman ako tanga para 'di malaman kung ano ang gusto niyang mangyari. Nasa akin ang buo

