Nakabibilib ang pagmamahal at pag-aalaga ni Simon sa mga anak namin. Wala akong masabi dahil kitang-kita naman ng dalawa kong mga mata kung paano niya inaasikaso ang dalawang bata. Sandali lamang kaming namasyal sa labas dahil biglang kinalawang na naman ang utak ni Simon. Nag-aya rin agad itong umuwi matapos namin kainin ang mga prutas na pinitas nito mula sa mga punongkahoy sa loob ng kagubatan. Ang hirap lang sabayan ng trip ni Simon dahil daig pa nito ang may sakit sa pag-iisip sa bilis magpalit ng mood. Nang makauwi na kami ng mansion ay inaya na nito ang mga batang umakyat sa silid ng mga 'to. Pinabalik niya naman ako sa loob ng silid kung saan isa akong bilanggo. Pagdating ko sa loob ng silid ay agad kong isinandal ang pagal na katawan sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at ini-

