Pagmulat ko ng mga mata ay nasa ibabaw na ako ng kama. Ipinaling ko ang ulo sa kaliwa't kanan upang hanapin ang binata. "Si Simon ba ang naglipat sa'kin dito?" tanong ko sa sarili. Ang huling tanda ko ay humahagulgol ako sa sahig hanggang sa tuluyang gupuin ng antok. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon sina Simona at Carlo. "Good morning, Mama!" masiglang bati sa'kin ng magkapatid. Lumapit ang mga 'to saka umakyat sila sa kama upang sabay na humalik sa aking magkabilang pisngi. "Maysakit ka pa rin po, Mama?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Carlo. "Masakit pa ba ulo mo, Mama?" tanong naman ni Simona. Umiling-iling ako sa kanila bilang tugon. "Mama, 'di ba po ikaw ang maagang gumigising sa atin, bakit po ngayon nakahiga ka pa rin?" muling tanong ni Carlo. "Masakit pa po ba

